Hates lollies… First Post! XD

Yahuuu!!! Mukang ito na ang start ng pag ba blog ko dahil may isang makulit na pusa na pinilit ako mag blog.  Hahaha!

Anywho, disclaimer muna.. Hindi ako magaling magsulat. Most of the time eh nagmumukang palabok ang mga sinusulat ko dahil sa sobrang dami ng gusto kong sabihin, pero hindi makasunod ang kamay ko, eh nawawala ako sa mga gusto kong sabihin. Huwahaha!! XD

Okies.. Eto na..

I never hated lollipops until yesterday. Kahapon kasi, kausap ko ang isa sa mga idol person ko na itatago ko sa pangalang Ate Cat. Member kasi ako ng isang forum site na itatago ko sa pangalang Japinoy, at kami ni Ate Cat ay madalas mag usap ng tungkol sa mga nilalang sa Japinoy na kakatwa ang mga pinaggagagawa sa site namen. At kahapon ang naging topic namen ay yung isang member na itatago ko sa pangalang lulepap.

Hindi ko inexpect na may mga batang katulad ni lulepap. Dun kasi sa isa sa mga threads sa forum sinabi nya, and I will quote her: ” Whahaha. even to my parents, ang epal ko. :3 Namumura ko nga sla e. 😐 AHAHAHA! Pasaway eno.”, eh bonggang bonggang napa init nya ang ulo ko. AS IN. At ang rason kung bakit siya nakikipag murahan sa parents nya? DAHIL HINDI SIYA PAYAGAN NA MAG BOYFRIEND!! Hindi ko alam kung anong espirito, engkanto, lamang lupa o demonyo ang sumapi sa kanya nagawa nyang murahin ang magulang niya at ichurang proud na proud pa siya sa ginawa niya. Parang “Oi mga tao! Alam nyo ba ginawa ko kanina? Minura ko parents ko kasi binabawalan nila ako magka syota! Ang husay ko no? Palakpakan naman jan!”. Potek, kung kapatid nya ako at nakita ko yon, baka sinaksak ko ng toothpick yung dila nya. Ang nakakatawa pa nito, ang pangalan nya ay ANGEL. PANALO!!!! Bagay na bagay sa kanya pangalan nya *Warever*.

Hindi ko talaga maintindihan ang mga kabataan ngayon (Oo, matanda na ako. Hahaha! 23 na ako, so matanda na yon. XD). Masyado na silang.. Ahmm.. Ano bang tamang term? Mapusok? Mayabang? Seriously, hindi ko alam. XD Ang akala nila, kayang kaya na nila humarap sa mundo mag isa. Akala nila, dahil capable na sila to speak their own mind eh ok na yung maging ganyan ka gaspang ang ugali nila. Shet pakshet talaga. As in watdapak! Nung teenager ako, ang iniisip ko eh kung paano tatalunin ang mga video games na nilalaro ko. Pero mga bata ngayon, dyusko, kahit 12 anyos, ang inaatupag eh lovelife! MY GAAAD!! Hindi ko alam kung nagmamadali silang tumanda, or nagmamadali silang mag mature. Hayaan ko na sa kanila yun pero yung maging lapastangan ka sa mga matatanda, not to mention, maging gago sa harap ng magulang mo eh hindi ata acceptable saken yon. At tipong ipinagmamalaki mo pa? POTA TALAGA. Pasalamat na lang ako at yung mga kapatid ko hindi ganyan. Kung hinde, baka kung ano na nagawa ko. Hahaha! XD

Haaaayyy.. Wala na. Wala na ako maisip isulat. Ganito na lang.. Ilalagay ko na lang dito kung ano yung sinabi ko sa lollipop na yun para mabasa nyo din. Hahaa!

Quoted from my post in Japinoy:

Kung ako tatay mo, mas lalo mo ako isusumpa kung minura mo ako. Hahaha!! Ni hindi mo pa nga kayang tumayo sa sarili mong paa pero nagagawa mo na ako murahin? Sabi nga ng kapatid ko sa mas bunso ko pang kapatid: Papunta ka pa lang, pabalik na ako.Mas alam nila sayo kung ano ang tama sa hinde. Hahahaha! You still owe them your life you know. If you can’t respect them as your parents, at least respect them as humans.

Sabi din nga ni caius-san, magiging magulang ka din. You are young and may rights ka para maging spunky and all pero it doesn’t mean na pwede mo abusuhin yon. Hahaha!! XD

Pasensya na. Hindi ko lang mapigilan sarili ko. Hahaha!! Isa kasi sa mga ayaw ko eh yung mga BRATS na kung umasta akala mo me mga napatunayan na sa buhay pero HINDI NAMAN GALING SA SARILI NILANG PAWIS YUNG ISINASAKSAK SA MGA BIBIG NILA PAG NAGUGUTOM SILA AT NAGBIBIGAY NG BUBONG SA KANILA PARA MAKATULOG NG MAHIMBING. Ang akin lang, saka na kayo mag gaganyan pag talagang meron na kayong rights para mag-angas. Sa ngayon, stay put lang. XD

Advertisements
    • Jam Kuradoberi
    • December 18th, 2009

    Gigil sis ah! XD

    • Jam Kuradoberi
    • December 19th, 2009

    Sis akin lang ha, wag ka magagalit. XD Kung hinahayaan nila na muramurahin sila ng anak nila, sila na may kasalanan nun. XD

    • Yun din nga iniisip ko. Kasalanan din ng parents niya kasi pumapayag sila na nilalapastangan sila ng anak nila. XD

        • Jam Kuradoberi
        • December 25th, 2009

        Sis brat eh. Ay mali pala, burat pala. XD

    • Jam Kuradoberi
    • December 23rd, 2009

    Mamatay na daw ba ako. BWAHAHAHAHAHAHAHAHA! XD Tampalasang hinayupak! XD

    • raika pepper
    • December 25th, 2009

    ang gali ng ng pagkakatago mo sa pangalan nya, hindi obtuse, hahahhaha…

    nung una binabasa ko yung post nya dun sa thread na yun, kesyo yung bf nya, na ayaw siya payagan, nung mabasa ko yun alam kong wala ng pupuntahan ang pag bibigay ng advice sa kanya, kaya dedma na lang,

    ngaun na lang talaga ako nagreact talaga, ng mabasa ko ito..

    “Eto nnman ako with the really really long post. Andami nyo na napagusapan napaka-behind ako. haha.Why don’t you all die?”

    *violent reaction follows >.<

      • sukaretto19
      • February 13th, 2010

      may explanation daw dito. expression lang daw un.
      at hindi nya na nakita mga reactions ng ibang members kasi nasira ung accnt nya sa japinoy.
      ang saken naman, nalaman na nya na madaming violent reactions and everything, anong ginagawa ng peysbuk para mag-apologize kasi may na-offend xa di ba?
      pag nag-apologize xa at galit pa din sa kanya, hindi na nya problema un.

      ay off topic hahaha.
      no comment na lang ako kasi nung bata ako ganyan din ako hahaha
      pero di naman ako sumasagot sa matatanda dito, takot ako non eh haha
      pero ngayon kaya ko na. lapastangan na ko eh hahahaha XDDD

      • Ito na lang masasabi ko sa isyu na yan…

        I DONG KER ENEMOR!! xD

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Advertisements
%d bloggers like this: