Bakit ganun? ….Seventh post!! XD


Napanod ko kagabi yung S.E.O.U.L video ng SNSD at Super Junior. Mga korean band po sila for those na hindi po sila kilala. Sa mga hindi po nakaka alam, as in baka lang hindi nyo alam, patay na patay ako sa SNSD. Heck, I even know the dance steps nung isang kanta nila.

Anyways, the video is rubbing me off in a wrong way. Maganda yung video. Cute. Catchy. Pero something in that video is making me feel uneasy… O siya siya.. Sige aaminin ko na, NAIINGGIT ako.

Naiinggit saan?

Naiinggit ako sa pagiging nationalistic nila. Alam nyo yun, nakagawa sila ng ganung video na ang message na gusto nilang i-convey ay ang ganda ganda ng Seoul at love nila ang lungsod na yon.

Habang pinapanood ko yung video, andaming thoughts ang umaandar sa utak ko. Iniisip ko, maganda din namang ang Maynila ah. Ewan ko. Baka ako lang nagsasabi na maganda ang Maynila. I mean, nagagandahan ako sa view ng Intramuros Wall habang binabaybay ko ang kalsadang yon (Hindi ko alam kung anong street yon. Taft Ave. pa ba yon?). Gustong gusto ko din ang view ng Manila City Hall at Philpost Office. Ang mga building sa Makati. Yung flyover sa Mantrade. Baywalk. Maraming spots sa Maynila ang nagagandahan ako. Pero bakit hindi nila magawan ng magandang PV ang Maynila tulad ng video na yun ng SNSD?

Naisip ko tuloy, nasan na ang ating “nationalistic” pride? As in yung genuine Ako-ay-Pilipino-at-ipinagmamamalaki-ko-iyon attitude. Sabi ni Ate Cat, medyo may pagka “pilit” daw yung nationalism ng mga Korean na yun. I say, mas lalo ako naiinggit. Kasi kahit pilit, andun yung idea na PROUD AKO KASI KOREANO AKO attitude nila.

Colonial Mentality din daw sabi ng magiting kong Ate. Tama. Masyado tayong engrossed sa mga gawang banyaga kaya ang sariling atin eh napapabayaan. Guilty ako dito pero sa tingin ko naman, kahit papano, marunong pa din ako magmahal ng sariling atin. I see to it na once a year, makapunta ako sa isang lugar sa Pinas na hindi ko pa napupuntahan kahit kelan. Kahit sa ganung kaliit na bagay lang eh maipakita at maipadama ko sa sarili kong bayan na mahal ko siya… Kahit na nga ba mas madalas pa ako makinig ng kantang Hapon o Koreano kesa kantang Tagalog.

Balik sa video, sana makagawa tayo ng ganung klaseng PV. Wala lang. Naiinggit lang talaga ako.

Advertisements
    • catchan1980
    • February 5th, 2010

    I’m sure yung mga kapitbahay natin sa Asia, katulad din ng mga Koreano. Napapag-iwanan tayo…>_<

    • Vietnam is slowly getting there. Eh dyusko, ang India nga natalo na ata ang Pinas pagdating sa BPO industry. Haaayy… T__T

  1. korek..nakakainggit nga sila. wala eh, lunod na lunod na mga pinoy (ouch tinatamaan ako.. XD) sa colonial mentality.

    naalala ko lang bigla..uso ngaun ung mga pinoy-themed na fashion statements. pero parang ang peke naman ng pinoy pride na un. wala lang. XDD

    • Yinyin-sama
    • February 6th, 2010

    Let’s just find Pinoy things to be proud of, ne~ marami dyan, ne~ 😀

  2. Well, hindi lang tayo lunod sa colonial mentality, superficial pa ang nationalism natin. Sa Lupang Hinirang na nga lang eh, kapag wala ka sa tono ipakukulong ka na kasi daw pambabastos yun. Eh paano naman yung mga talagang nambabastos sa bayan?

    Nakakainggit talaga ang mga Hapon at Koreano sa issue na iyan. Pati na ang mga Amerikano, kahit na minsan eh OA na, eh mapapahanga ka talaga sa nationalism.

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Advertisements
%d bloggers like this: