Random thoughts.. Bleaghh!! …I’m stupid because I lost count of the post!! XD

Okay. Wala lang. Gusto ko lang uli magsulat kasi nagsasawa na ako manood ng TV/DVD at maglaro ng PSP. At since ang motmot ng net ko, magsusulat na lang ako para habang iniintay ko magload ang mga sites na niloload ko para may magawa akong mas productive kesa ang tumitig sa screen at mura murahin ang sinumpang net na to.

Wala talaga ako gustong sabihin kaya ipagpatawad nyo kung jumping from one topic to another ang post kong ito.

Ngayon lang ako talaga nahilig sa pag ba blog. Hindi kasi ako magaling magsulat. At tulad ng nasabi ko na noon, masyado ako madami gustong sabihin at talaga namang hindi nakakasabay ang kamay ko sa bilis ng pag iisip ko pag nagsusulat ako. Mas ok pa na makipagkwentuhan na lang ako ng harapan kesa isulat ang gusto ko sabihin. Pero minsan din, mas mabilis pa din ang utak ko kesa sa bibig ko kaya hindi din lahat ng gusto ko sabihin eh nasasabi ko. Advantage lang ng pagsusulat eh na rereview ko ang mga na type ko. Pwede ko i-edit (*dasal* Sana walang nakapansin na may inedit ako dun sa last 2 sentences na tinayp ko…) yung mga na type ko na. XD

Habang kasalukuyan ko tinatayp ang post na ito, nag babasa din ako ng mga blogs ng iba ko pang mga friends na nag bablog din. Natutuwa na naiinggit ako sa kanila kasi ang gagaling nila magsulat. Concrete ang topic ng mga sinasabi nila. Naiisip ko na sana ako din eh ganun kagaling magsulat. XD

Take my Ate Cat’s blog for example. Wala lang. Ang galing lang ng blog nya. Basahin nyo. Ma eentertain kayo. XD
@Ate Cat, Mura lang talent fee ko sa pambubugaw. Hehe!

Jologs ako. As in MAJOR JOLOGS. Bakit kamo? Kasi:

1. Nanonood ako ng PBB at sobrang kinikilig ako kay MELASON.
2. Fan ako ni Kimerald. Fan lang ha. Hindi fanboy o die hard fan. FAN lang. (Defensive?)
3. Natutuwa ako makinig kay Papa Jack.
4. Pumapatol ako sa mga ihaw-ihaw, turo-turo at kung anu ano pang mga street foods.

Okay. Bago mag hyperventilate o kumbulsyunin ang ilan sa inyo (Para sa mga kapwa ko Jologs), wala akong masamang intensyon sa sinabi ko. Wag kayo praning. Walang masamang ibig sabihin yan. Gusto ko lang talaga ipagkalat sa Earth na JOLOGS ako.

MELASON = Melai + Jason

Over talaga sila. As in Over!! XD

Ang hindi nakakakilala sa mga yan eh ang mga sumusunod:

1. Walang TV sa bahay. <– Weh.
2. Hindi nanonood ng PBB. <– Huuu.. Hindi nga nanonood ng PBB, yung katapat na show naman ang nipapanod. Weh! xD
3. Mga eletista. <– “Yuuuccckkk… They’re so baduy.” Eh kung saktan ko kaya kayo? xD

At

4. Mga nilalang na sadyang walang interes sa kababawan na tulad nito. <– Bless you…. KORNI NYO!! XD

Nakakatuwa silang dalawa sa totoo lang. Tanggal stress ko pag nakikita ko ang dalawang yan sa TV. Kahit pa paulit ulit sinasabi saken ng tatay ko na scripted yon at kalokohan daw ang pinapanod namen ng nanay ko, hindi kami nagpapapigil sa panonood nito.

MJ and Nanay (unison): Sino kasi me sabi sayo na manood ka neto? Dun ka sa kabilang kwarto kung ayaw mo to. Istorbo ka!

O di ba? Parang mga engot lang. Wala lang. XD

Woot.. Wala na ako masulat. Biglang nasabaw yung utak ko. Sige. Next time ulet. xD

Advertisements
    • catchan1980
    • February 6th, 2010

    Papa Jack! Hahaha, tagal ko na hindi naririnig yon, kasi saktong yung car service sa gabi, puro music na lang.

    • Yinyin-sama
    • February 6th, 2010

    Me desu! Haha.
    Kagabi lang sa kotse, si Papa Jack ang pinapakinggan ng driver. Tapos biglang nilipat nung sumakay na ako, hahahaha. Yon ata ang order sa kanila eh, wag makikinig ng ganun pag may pasahero na kasi medyo offensive minsan yung discussion ni Papa Jack sa caller. 🙂

  1. Hinde. May memo na pinalabas ang company nyo. Pag ikaw ang sasakay, bawal daw ang jologs na radio station. 😀

    • Ewan ko sa kanila. Eh nakikinig ka ba dun sa tambalang balahura at balasubas?? 😀

      • Mmmm.. Di masyado. Medyo maingay na kasi si Nicole-hiyala at Chris Tsuper for me. xD

    • PrincessAyra
    • February 10th, 2010

    1. Nanonood din ako ng PBB at kinikilig din ako sa Melason.
    2. Di ako Kimerald e. Bea-Lloydie pa pwede! 😀
    3. May pic ako with Papa Jack nung ininvite namin siya maging speaker sa isa naming forum back in college. 😀
    4. I looooove kwek-kwek and proben (proven?).

    So, ano ako? =^.^=

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Advertisements
%d bloggers like this: