Blogsite tweaking at straitjacket. Normal ako!

Nakaka adik pala mag blog. Hindi ko inasahan na inabot ako ng 2 oras at kalahati para lang maayos ko itong blog ko. Papalit palit ako ng theme pero in the end, itong theme na katulad ng sa idol ko na si Ate Cat ang nigaya ko para bumagay yung header ko na nakuha ko samwer out der ober da networld.

Matagal tagal din akong hindi “na-hook” sa isang site. I mean dati kasi, nung sikat na sikat pa si Friendster (*May He bless that almost forsaken site.*), matagal tagal din akong hindi umalis sa harap ng PC para lang “pagandahin” ang Profile page ko na wala namang ibang tumitingin kung di yung mga kabarkada ko. At kaya lang nila tinitingnan yung Friendster ko ay dahil naglagay sila ng testimonial sa profile ko at ineexpect nila na gagawan ko din sila in return.

Woot! May naisip na uli akong isusulat! Pero next tima na yun. Haha!

Ang aking magandang kapatid (Nag iisa lang siyang babae na kapatid ko kaya maganda siya. xD) ay isang Psycho student. Ay.. Psychology student pala. XD

Graduating student na siya kaya naman ang magaling na kuya ay nakipagbonding sa kanyang kapatid nung isang gabi at kumuha ng isang Psychological test sa kanya. Masaya yung experience. Sobrang nag enjoy ako sa pag dodrowing ng bahay, bakod, ahas, balon, puno at kalsada. Kinikilig kilig ako habang nag dodrowing ako ng tao na bawal daw ang ichurang anime at sobrang ihing ihi ako sa saya sa pagdrowing ng mga straight lines, curved lines, wavy lines, dotted lines at slanting lines.

Sobrang kinukulit ko kapatid ko habang nag a-analyze siya ng mga pinagawa nya saken. Paulit-ulit ko sinasabi na, gusto ko ang maging analysis nya saken eh baliw ako at gusto ko magsuot ng straitjacket. Oo. straitjacket. Gusto ko kasi magakaron non. Wala lang. Trip lang. Nag o-OJT kasi siya sa Mental Hospital ngayon kaya sumidhi lalo ang pagnanais ko na magkaron ng ganun. Sabi ko hingi sya dun sa Mental. Sabi niya, mabaho daw yon. May distinctive smell daw ang mga baliw at kumakapit daw ang amoy na yon sa mga damit nila. At saka, wala daw nun sa mental ngayon. Sabi ko naman, wala ako pakelam. Basta gusto ko magkaron non. Sabi naman ng nanay ko, ipagpapatahi na lang daw niya ako para daw tumigil ako sa kagaguhan ko.

Na ku kyuryus kasi ako sa kung ano ang feeling pag nakasuot ka ng straitjacket. Pwede ka kaya hindi maligo ng ilang araw pag suot mo yon? Kasi kahit mamaho ka, hindi lalabas yung amoy? O di kaya, hindi ako lalamigin? Wala lang. Nakaka engot lang talaga.

At apter mga 48 years ng pag iintay sa kapatid ko. Sa wakas, na release din ang analysis report nya saken. Sabi nya, hindi daw ako baliw. Wala daw inconsistencies sa mga sagot ko. In short, NORMAL daw ako.

Pero may sinabi din siya na lubos ko ikinagulat. Sabi niya, sexually pre-occupied daw ako. Sa tagalog, malibog daw ako. Weh! Di nga? XD

Meh.. Hindi ko matanggap ang naging resulta. Sabi ko sa kanya, kukuha ako ng second opinion. T__T

Ma! Pwede nyo na po kalagan! Di na po ako nanganagat, pramis!

EDIT EDIT: Woot! Na wrong spelling pala ako. Straitjacket pala at hindi straight jacket ang spelling non! Thanks for the correction my wonderful Yinyin-neechan!! xD

Advertisements
    • catchan1980
    • February 8th, 2010

    Ngayon ko lang napansin…bakit pala yung bishie ang ginamit mong Japinoy image?? Ahahahaha!

  1. Wala lang. Trip ko lang. Hehe! xD

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Advertisements
%d bloggers like this: