Pesbuk at Prenster : A pis op may mind.

Lately, nawalan na ako ng gana sa mga social networking sites. Para kasing ang bakya na masyado. Lahat ng tao bukambibig ang Facebook. Farmville, RC, FFS, at kung anu anu pang mga applications na makikita sa site na yon. Sa sobrang aliw na naidudulot nila sa mga nilalang ng planet Earth, ang iba ay hindi na nagagawa ang mga dapat nilang gawin dahil nga na pe pre-occupy sila ng kanilang Pet at Mafia. I have nothing against it though. Di man ako laging nabibili sa Friends for Sale o di ako umaanib sa kung kaninong Mafia ay na eenjoy ko pa den ang Facebook.

Marahil yung iba mag iisip, SO ANO GINAGAWA MO SA FACEBOOK?

Isa lang ang sagot ko: Ang i-update ang sarili ko sa kung ano na ang mga nagaganap sa mga kaibigan ko. xD

Naiirita na kasi ako dun sa ilang mga nilalang na walang kapagod pago na iniimbayt ako na maglaro daw ako ng Pet Society para daw dumami yung kapitbahay ng pet NILA. Nakakaloko isipin na kaya pala ako iniimbayt na mag pet soc ay hindi pala para magkabonding kami nung kaibigan ko na yun kung hindi para magkaron ng kapitbahay ang baboy na mukang pusang malandi nyang pet. Kanina lang pagbukas ko ng prenster, puro mga games at imbayt at kung ano ano pang eklat na wala naman kinalaman sa mga kaibigan ko ang nakita kong update sa wall ko. Pinaglinis daw ako ng inidoro ni ganyan ganyan, nanalo daw si ano sa Mafia Wars dahil sa tulong ko, blah blah blah, blah blah blah (Kunwari nakarelate na lang kayo sa mga sinabi ko).

At dahil jan, naalala ko uli muli ang panahon na sikat na sikat pa si Friendster. Oh, by the way, sa mga may Friendster jan, buksan nyo naman yung account nyo dun. Pambihira, effort sa kanila ang magbago ng layout ha. Tandaan nyo na dun kayo nagsimula. Anyways, ayun nga, naalala ko tuloy si Friendster at ang mga infamous na Testimonials.

Potek, walang araw noon na dumaan sa buhay ko na hindi ako ni remind ng mga ka-chat ko sa YM at mga nakakasalubong sa Friendster na wag ko daw kalimutan na gawan ko sila ng “Testi”. Nung una, tinatawanan ko lang yon. Makikita mo yung mga tao, kaya nag che check ng Friendster ay dahil tinitingnan nila kung me bago silang Testi. Ang tawag ko sa kanila noon, mga nilalang na gustong magka Hydrocephalus. Nung tumagal na, nabubwisit na ako. Pag kinukulit nila ako na gawan ko sila ng testi, sasabihin ko: “Ang testimonial, hindi hinihingi, binibigay ng kusa. O sige, bigyan kita testi mamaya, pero pakamatay ka muna.” Ehehe! Wala lang. Nakaka bad trip kasi.

Hindi sa nambabasag ako ng trip or anything, pero kasi di ba? Kaya nga Social Networking Site eh. Ginawa ang FB at FS (Yeeessss… Alam ang acronym! Haha!) para ma-update mo yung sarili mo sa mga updates ng mga kaibigan nila na hindi nila nakakasama ng matagal. Hindi siya ginawa para palakihin ang ulo mo or magkaron ng kapitbahay ang Restaurant mo.

Oo, pang re-creation nga yung mga games. Masayang makalaro mo yung mga friends mo sa FB pero nampuchakels naman, yung kulitin mo yung kaibigan mo, maya’t mayain mo na sabihan na GAWA KA NA NG ACCOUNT MO DALI! LARO TAYO FARMVILLE pero yun pala me vested interest ang pamumwersa sayo para maglaro eh sadyang hindi kanais nais na gawain para saken. Yun lang naman. Wag sana magagalit saken ang mga hayok na hayok sa Testimonials at Games sa FB saken. Mga ano ko lang yan, ahmm.. Saloobin. Entitled ako dito at WALANG MAKAKAPAGDIKTA SAKEN KUNG ANO ANG DAPAT AT HINDI DAPAT SABIHIN SA BLOG KO DAHIL BLOG KO TO. xD

At isa pa pala, kung feeling mo eh ang panget mo sa picture mo at gagawin mong primary photo ang pic mo na yun, utang na loob. Wag mo na ituloy yan at wag mo lagyan ng caption na: Ang panget ko dito. Ahihihi!!. Please. Do us a favor. Kung ayaw mo matulog, magpatulog ka. Wag mo kami idamay. Ok? xD

"Oh my gosh! I look so hideous here!" Sapak, gusto mo?

Advertisements
    • catchan1980
    • February 8th, 2010

    ang saya saya! gusto kitang bigyan ng testi!! 😛

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Advertisements
%d bloggers like this: