My Take on Five.Ten.Ten and my reasons kung why I chose not to vote.

Paunawa: Ang mababasa nyo ngayon ay isang malaking kalokohan lamang. Ang mga nasasaad dito ay pawang mga saloobin lamang ng isang Pinoy na hindi nagparehistro at nagkukunwari lamang na may pakialam na sa darating na eleksyon pero ang totoo ay nais lamang nyang umepal dahil natutuwa siya sa batuhan ng mga kuro-kuro at opinyon sa isang forum site na kinabibilangan nya na ang pangalan ng forum site ay tumutugma sa Japinoy. xD

Last year, halos araw araw ako nina-nag ng tatay ko dahil hindi ako nagpa rehistro para bumoto. First time voter sana ako pero mas pinili ko na hindi bumoto this year. Engot daw ako sabi nila. Di ko daw ineexercise ang rights ko. Ito lang ang sagot ko sa kanila: “TINATAMAD AKO PA-REHISTRO EH.”. Mas lalo ata nag init mga tumbong nila sa sagot kong yun kaya ginalingan nila ang pagratrat saken. Pero ngayon, hindi ako masermonan ng nanay ko kasi hindi din siya nakapagpa rehistro. Yay to procrastination!! xD

Sa totoo lang, madami naman talaga ako rason kung bat hindi ako nagpa rehistro. Yun lang yung sinabi ko kasi ang habol ko sana eh yung tantanan nila ako pero nag backfire ang plano ko. Mas lalo sila ginanahan sa pangangaral saken.

Ok, sasabihin ko dito ang napaka ganda at napaka ayos ko na mga rason kung bakit ayaw ko bumoto:

Una

Dahil sa tingin ko, walang matinong kandidato ngayon. Nasabi ko na to sa forums namen at sasabihin ko uli dito: San ka naman kasi nakakita ng kandidato na minsan na ngang pinatalsik ng taong bayan pero heto nanaman at kumakandidato uli, at sa parehong posisyon pa uli kung san siya napatalsik! Pambihira talaga.
Gibo? Dyusko, eh itsurang panggulo lang siya ng Admin para mahati boto ni Villar at Noynoy. Si Villar naman, ewan ko lang sa kanya. EWAN. Di ko siya gusto at never ko siya magugustuhan. Bro. Eddie Villanueva? Naku naman po. Asikasushin nyo na lang po yung mga members nyo. Wag nyo po dungisan ang kamay nyo. Gordon? Well, ok naman sana. Kaso, ang hangin! Dyuskopo. Kahit yung kalbo, sasabihing nililipad ang hair nya sa kayabangan nya. Ayaw ko naman ng ganung klaseng presidente. And lastly, Noynoy. Oh no Noynoy… Bakit ka nagpadala sa agos ng panahon?? Hindi sa hindi ako naniniwala sa adhikain mo and all.. Pero naman naman naman!! The rest of the candidates, isa lang masasabi ko sa inyo: MEH.. Hahaha!

Pangalawa

Wala ako pakelam sa ngayon kung ano nangyayari sa Pinas. Salbahe man pakinggan pero yun ang totoo. Hindi ako magpapaka ipokrito. Totoong wala. Oo, nadidismaya ako dahil ang laki laki ng binabawas na tax saken pero hindi ko naman napapakinabangan ang tax na yon, pero hindi na sapat yung rason na yon para kumilos ako. Mahal ko ang Pinas, pero nampucha naman, pano ko mamahalin ang Pinas kung yung mga namumuno dito eh nakanampucha naman sa husay sa pangungurakot. Masyado na ba ako nega? Masisisi nyo ba ako? Oo? Tara, dun tayo sa labas, bugbugin mo sarili mo, panoorin kita. Hahaha! Biro lang. Proud ako sa pagiging Pinoy ko, pero hindi ako proud sa nangyayari sa Pinas. Nadamay na lang ang buong Pinas. Haha! Di ko pa naman dinedeny sa ibang tao na Pinoy ako. Pag nangyari yun, siguro sumuko na ako ng tuluyan.

Pangatlo

Tinatamad talaga ako magpa rehistro. Hahaha! Seryoso. xD

Kaya sa mga boboto this May 10 elections, good luck and happy voting. And congrats sa susunod na magiging presidente ng Pilipinas!

Advertisements
  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Advertisements
%d bloggers like this: