EK trip!!

Aba pambihira! Antagal na pala nung huli ako nagsulat para dito sa blog ko. Wala naman kasi masyadong naganap sa buhay ko nitong mga nakaraang linggo na tumatak ng sobra sa isip ko para isulat kaya ayun, mga random posts na lang ginawa ko. Anyways, em bek en her ay em to rayt agen abawt samting. An dat samting has gat tu du wed my trip to EK nung.. Nung.. Teka. Bawal ko pala banggitin yung date kung kelan ako nag EK kasi baka mabuko ako. Sabi ko kasi sa mga tao sa bahay may importanteng lakad ako nun! Yeeeey!! xD

Dateline: Mga 2 weeks before ko naisip mag EK…

Tulad ng madalas namin ginagawa ng mga Japinoy friends ko tuwing Thursday or Friday, tumambay kami sa Glorietta/Greenbelt. Di ko na maalala kung ano ginawa namin bukod sa pagpunta sa Timezone at pagtambay sa McDo hanggang sa kami na mismo ang sumuko sa kaantukan. So ayun. Habang nasa McDo kami, habang pinagtatalunan namin kung sino yung kamuka nung lalakeng nakangiti na wallpaper sa McDo, eh bigla ko naisip na mag EK! Ewan ko. Naisip ko lang talaga bigla mag EK. Ninais ng katawan ko na sumakay sa Flying Fiesta bigla. Parang tinatawag na ng duyan na yun ang katawang lupa ko.

Ang susunod na mga diyalogo ay hindi ko na talaga maalala ang pinag uusapan namen ng maayos. Pasensya na.. xD

Jam-sis: Sssdjkhfnkahihdfasb! Huwahaha!!
Ako: HJbnsdjfgjsnghamskf! JKjsefefnwelfn! Huwahahahaha!!
Li: LAknhklsnfijw,lgm! JHkljskldf? Hehehehe!
Ayra: JAKjsdsgdsfngnspdjg! Hahahaha!!
Ako: Tara Enchanted tayo dis weekend!!

May mga umapila. Sabi daw kung pwede sa susunod na linggo na lang daw kasi ganyan ganyan, ganun ganun. Eh kating kati na talaga ako mag EK. Sabi ng sis ko, i move na lang daw para mas marami sumama. Biglaan daw kasi masyado ang imbitasyon ko kaya hindi gaanung preferd ang mga tao. So sabi ko, sige sige, sa susunod na linggo na lang para keribels na. Yaayyy!!!

Dateline: Ilang araw bago ang EK…

Nangungulit na ako sa Plurk, YM, Fesbook at Japinoy.. Paulit ulit ko na sinasabi na EK na sa weekend. Eksayted na eksayted na ako! Tigas katuwaan ang nararamdaman ko habang papalapit ng papalapit ang itinakdang araw. Nabanggit ko sa sis ko nung nasabi ko na mag EK kami na takot ako sumakay sa Space Shuttle at never pa ako nakasakay don simula ng itinayo ang isinumpang ride na yon. I know. Duwag ako. Kiddo. Ang sis ko, dahil mahal na mahal ako at he has my best interest at heart, sinabi nya at isinumpa din ata na kailang makasakay ako sa roller coaster na yun. Sa ayaw at sa ayaw ko, isasakay nya ako. Matapang ako nung sinabi kong “Oo, sasakay ako!!”, kasi Plurk, YM, Fesbook at Japinoy lang naman yun. I was so wrong…

At sa hindi ko malamang kadahilanan, naisip ko mag roll call ng mga sasama sa EK. Aba aba aba, sa dami naming yon (Mga 8 ata kami nag usap usap..), 3 ang nag bak awt. Ang nakakatawa nun, yung isa sa nag bak awt, sya pa yung nag request na ilipat ng ibang date yung EK kasi daw may lakad ata sya nung araw na nag aaya ako originally. Yung dalawa naman, kaya nag bak awt, wala daw anda. Aaminin ko, naasar ako, mga 30 mins, tapos ok na ako. Hahaha!! Sinabi ko sa sis ko na may mga nag bak awt. At dahil napaka husay ng sis ko, sya na ang gumawa ng mga dirty deeds na nasa isip ko para iparating sa 3 nag bak awt na TABLADO sila. Hahahaha!!

Dateline: Bisperas ng EK…

Naiihi ako sa eksaytment nung gabi bago mag EK. Eksayted na ako makabonding yung mga friendly friends ko. Nagkausap kami ni sis sa YM. Sabi nya maaga daw sila pupunta don. At talaga namang hindi nagkulang sa paalala ang sis ko na isasakay nya ako sa Space Shuttle. Tinatawanan ko pa din sya nun. Lingid sa kaalaman ko nung mga oras na yun, planadong planado na ata niya kung pano ako pasasakitan dahil sa ride na yun. xD

Dateline: Umaga ng araw na mag EK kami…

Nagising ako mga bandang 10 am. Nagising ako sa text ni sis, on the way na daw sila sa EK. Di sila masyadong eksayted. Wala lang.

Binuksan ko ang aking komfuter at nag YM ako para tingnan kung sinong online sa Japinoy peeps. May isa akong inabutan, si Jobelle.

Ako: Jobelle! Mag EK kami ngayon. Sama ka?
Jobelle: Sige!

Ganun lang. Ayos no? Nakaladkad ko si Jobelle papuntang EK. Saya!!

Dateline: Hapon.. Sa EK na…

Nakarating na kami ng EK around 2 or 3 PM. Di ko na maalala. Pinuntahan namin sila sis sa may Amazon Grill. Kumakain daw sila. Kasama ni sis si Li, si Gatch at ang magandang maganda kong hon na si Ayra. Pagdating pa lang namin ay iniiwasan ko na si Sis dahil nararamdaman kong may hindi siya gagawing matino saken.

Pagkaka kain nila, nag aya na sila mag rides. Ang gusto talaga nila, Space Shuttle agad. Umayaw ako. Sabi ko pabayaan muna nila ako. So suggest uli panibago, Anchor’s Away na lang daw muna. Um-oo ako. Pero dahil sadyang demonyo talaga ang sis kong magandang maganda pa sikat ng araw nung mga oras na yon, kumapit siya saken at sinabing sa dulo daw kami uupo. Habang naglalakad kami papuntang AA, nakakapit siya saken. Wala ako magawa. I was a prisoner. Pila.. Ang kabog ng dibdib ko, panalo. Nagdadasal ako nung mga oras na yon, sabi ko sana sabihin ni manong: “Ay ser. Bawal po duwag sa ride na to. Balik na kayo.”. Pero wala. Nung kami na yung sasakay, para akong palos na kumawala sa arm lock ni sis at ako’y nagtatakbo papunta sa gitna ng ride. Tabi kami ni Jobelle. Nyehehe!! MJ = 1, Jam = 0.

Nakakahilo talaga ang ride na yun. Habang dinuduyan kami ng sobrang lakas, para kaming engot ni Jobelle. Si Jobelle, sigaw ng sigaw. Ako, sumisigaw din. Pero ako, kumakanta pa para mawala yung hilo ko.

Niloloko kami ni Ayra pagkatapos nung ride. Sabi nya para daw kaming nagdadasal. Nakayuko daw kasi kami pareho. Nyehehe! Eh sorry na. Duwag lang talaga. xD

After nung AA, nag Space Shuttle na… sila. Hehe! Nope. Di pa agad ako sumakay. Sabi ko panoorin muna namin sila ni Jobelle. Ayaw din kasi ni Jobelle sumakay sa rollercoaster kaya kami ang naiwan. Habang nakapila sila, naisip namin ni Jobelle na bumili ng ice cream. Nag Blizzard kami. At habang kinakain namen ang Blizzard, nagkwentuhan kami. Sabi namen, para kaming nanay at tatay na nagbabantay sa mga bata. Sila sis kasi yung sakay ng sakay. Hehehe!

Nung matapos sila Sis, humiwalay muna kami. Sabi ko kasi rides muna kami iba. Nag Flying Fiesta kami. Ayaw talaga ni Jobelle sumakay don pero wala siya nagawa. Sumakay din siya. Then after nun, nag 4D theater kami. Libre ko silang dalawa. Kaya kami nag 4D theater kasi nahihilo na talaga ako dahil sa pagkakasakay namen sa AA at FF. Sabi ko, sakay naman kami ng ibang ride na hindi involved yung mahihilo kami. Nagkamali nanaman ako. Kasi akala ko hindi ako mahihilo sa 4D. Nahilo pa den ako, pero onti lang. xD

After 4D, Roller Skater naman ang tinira namen. Duon na namen nakita sila Sis. Kitang kita ni Sis kung papano kami sumakay ni Jobelle sa Rides. Lagi kami sa gitna. Kasi ng takot kami. Mga chicken. Kiddos. Sorry na ulet.. xD

Nung magkakasama na kami, sabi namin ni Jobelle, Rialto kami. Sumunod naman samen sila sis. Pero habang kasama namin si Sis, paulit ulit nila kami tinutuya. Mga kiddos daw kami. Chicken. Sa isip isip ko, ok lang. Hahaha! Chicken na kung chicken. Ayaw ko pa mamatay. Bata pa ako. Hindi nila ako basta basta mapapasakay sa Space Shuttle!!

Boring yung Rialto. Di ko na kukuwnto kung ano mga naganap sa loob. Basta. Boring. Inantok lang ako. Meh..

Paglabas namin ng Rialto, andun na ang pinakahuli naming kasama sa EK trip namen. Si Tim. At sa pagdating nya, dun na nagsimula ang kalbaryo ko. Talagang kelangan ko na sumakay ng rollercoaster. Humiwalay si Ayra at Jobelle samen. Girl bonding muna daw sila.

Blangko… Blangko… Blangko… *Toooooooooooooooooot* *Tooooooooooooooooooooot*

Di ko na naririnig ang sarili ko mag isip. Kahit kasama ko si Gatch habang pinapanood namin sila sis sa pagsakay nila, feeling ko hindi ako ang kausap ni Gatch kundi yung alter ego ko na. Wala. Ninerbyos na ako. Uwian na. Ayawan na. Ang tagal ko ata tiningnan yung Space Shuttle. Gusto ko sumakay na ayaw ko.

Andaming seremonyas. At maraming salamat kay sis, sa mga bulong nya saken na akala mo eh isa syang demonyong bumubulong saken na ang ibinubulong saken eh: “Sige na. Pakamatay ka na. Sakay naaaaaaa…” Parang Super Ferry lang.

Ngayon, alam ko na ang feeling ni Harry Potter pag may dementor na malapit sa kanya. Ganun pala.. Malamig. I can hear voices in my head. Gusto ko himatayin pero di ko magawa. The height na pala yun ng kaduwagan ko. Ayawan na. Uwian na talaga. Pero dahil nahihiya din ako sa mga tao na nasa likod ko, di ako makatakbo papalayo. May mga jologs pa dun sa pila. Takot + Nerbyos + Bwisit sa mga jologs = MJ. Ayan ako nung mga oras na yon.

Okay.. Kami na ang sasakay. Ayaw ko talaga. Nagsasabi ako kay sis, sabi ko di ko talaga kaya. Sabi naman ni sis, okay lang daw. Balik na daw ako. Pero di ako umatras. Kasi parang may halong poot sa boses ni sis nun kaya napilitan na talaga ako sumakay. Andun na eh.. So sakay agad ako.. Malamig na malamig na talaga ang buong katawan ko nun. Kung may sakit ako sa puso, tiyak, patay na ako.

Umakyat ang rollercoaster.. Nararamdaman ko ang hangin na malamig na may kasamang usok ng sasakyan. Wala ako makita. Madilim na kasi non. Gusto ko mura murahin si sis na katabi ko dahil sa pinapagawa nya saken pero di ako makapagsalita. Puro hiyaw lang ang kaya ko gawin.

*klak klak klak klak klak* <– tunog nung rollercoaster habang naakyat na ang dating saken eh Morse Code. At ang message? "Yan. Gago ka kasi. Pauto ka jan sa kasama mo. Good luck sayo!"

*KLAK* <– bitaw na..

Ako: "UWAAAAAAAAHH!! HUUWOOOOO!!! HUWAAAAAAAAAA!!!!!"

Napahawak ako sa kamay ng sis ko sa takot at.. tuwa? Oo. Tuwa ata ang naramdaman ko.

Hindi ko na alam ang mga sumunod na pangyayari. Sa naaalala ko, may mga minura akong tao nung paakyat na uli yung roller coaster. Di ko na maalala. Adrenaline rush. Gusto ko na uli magpabale balentong at naiinip ako dun sa pag akyat at pagbuwelo uli nung hayop na rollercoaster.

Pag baba, sobrang masaya ako. Di ko akalain na I will surive sa ride na yun. Kala ko di ko kaya. Sa sobrang saya ko, binili ko yung peekshur namen. parang engot lang.

So ayun. Hehehe! Yun talaga ang pinaka highlight nung EK trip namen. Sumunod si Jobelle na sumakay. Mga 5 seconds lang siya sinabihan at gum-ora na din siya. Mahusay. xD

Pahinga kami konti. Nood kami fireworks. Wala. Na bore ako sa fireworks. Wag nyo na tanong kung bakit. Baka mabwisit kayo sa sagot ko. xD

Nag Rio Grande Rapids din kami. Wala lang. Masaya din yung ride na yun. Masaya kasi pare pareho kaming umuwing basa. Mwehehehee!!

Masaya ang EK trip ko this year. Mas masaya kesa nung last year kasi mas marami kami ngayon. Sana maulit pa yun! n___n

That's what sis' are for... Huwahaha!! xD

I came, I rode, and I conquered. xD

Advertisements
    • Jam Kuradoberi
    • March 18th, 2010

    Bwahahahaha. MJ = 1, Jam = 0 pala ha? XD Hahanap pa ako ng mga isinumpang bagay na isusumpa mo talaga sis. >:)

    WAHAHAHAHHAAHA! XD

  1. Naman sis. Di lang na update yung score. Pero kamtutingkopit.. Recap…

    MJ = 1 (Dahil hindi ako nakasakay sa dulo ng AA.)

    Another point dahil napasakay kita sa Rio Grande Rapids kahit alam kong ayaw mo. That makes it 2 points.

    MJ = 2

    Jam = 10000!!

    Dahil napasakay mo ko ng Space Shuttle.

    Ok na pala sis. Lamang ka pa. xD

    • Jam Kuradoberi
    • March 19th, 2010

    No sis, it’s Jam = 1 MJ = 2. Iisip ako ng kasumpa sumpang bagay para maging tie yan. XD

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Advertisements
%d bloggers like this: