Mi en da ting wi kol KEI-PAP.

Woo! Tagal ko din pala hindi nakapag blog! Ehehehe! Di ako pwede magbigay ng excuse na “Writer’s block” kasi di naman talaga ako nagsusulat. Isa lang ang totoong rason kung bat hindi ako nakapag-blog lately: “Walang maisulat na interesting.” tska tamad. Ay.. Dalawa na pala yon. Sorry na.

Ok, na diskaril na ako sa totoong topic na gusto ko pag usapan sa blog ko ngayon. Kaya eto na…

Nung nasa EK ako kasama ang aking mga mahal na mahal na (Dare I say?) kabarkada sa Japinoy, napagkwentuhan namin nung isa kong tropa na si Jobelle (Miss ko na ikaw!!!) ang tungkol sa… Dandananaaaaaannn.. KPOP music!!! xD

Being a self-confessed Otaku, medyo kakaiba para saken ang mahilig ako sa KPOP. Most of the time kasi, I listen to JPop and JRock music. Mga soundtrack ng anime, doramas at yung mga singles nung mga artist from Japan. Pero the past weeks, nonstop ata ako nakikinig ng mga KPop. Nagsimula ang lahat ng makinig ako ng album ni Younha. Younha is a Korean/Japanese artist. Before, mga Japanese songs lang ang pinapakinggan ko. Pero nung napakinggan ko yung Korean album nya, napa wow talaga ako ng sobra! So yun, natuto ako makinig ng Kpop pero di pa din ako na adik non. Then Soshi came…

SOSHI!! So Nyo Shi Dae (Dyusko, tama ba spelling ko? Sorry na.. Japanese pa din trip ko. Wala ako balak mag aral ng Hangul. xD), is an all-female Korean girls group. Yung single nila na Gee, potek. Naadik ako dun ng sobra. Ang gaganda ng mga babaeng yun. From my pers kras na si Yoona (O di ba? Mahilig ako sa Yoona/Younha. Isang Yuna lang ang di ko gusto. Yuna ng FFIX.), dun ako nagsimula maadik sa Kpop and as the saying goes, the rest is history.

Ok, so bakit ako nagsulat tungkol dito? Wala lang. Gusto ko lang. Haha! No, seriously, kaya ako napasulat dahil gusto ko ilabas ang aking saloobin tungkol sa Kpop music.

Napansin ko kasi lately, sumisikat na din ang mga Korean groups dito sa Pinas. Nagulat ako nung nalaman ko na dumating yung kumanta nung “Blah blah blah blah blah hot issueeee…” kasi di ko alam na Korean song pala yun. Wala lang. Ang galing lang. Talagang na invade na tayo ng mga Korean!

At sa puntong yon, medyo nag worry ako. Kasi magiging “bakya” na ang Korean music. Not that I don’t want to share yung enjoyment ko sa pakikinig ng mga songs na di ko naman naiintindihan pero nagagandahan ako, pero knowing us Filipinos, maha hype ito ng sobra. Parang yung F4. Ganon. Eh ayaw ko ng ganon. Wala lang. Nag iinarte lang. xD

Ang wish ko, sana, saglit lang tong “kasikatan” ng mga Koreanong yan dito sa Pinas. Korni kasi pag lahat ng tao pinakikinggan na eh Korean. Wala lang. Nag iinarte lang. xD

Huuuuuuuu!!! xD

Advertisements
    • Euryx
    • April 13th, 2010

    ehehe..tama itoooo..may nagpost nga sa plurk dati, sabi niya, di lang naman daw sila nakikisakay sa Korean fever, talagang fan sila..uu di nga sila, yung iba naman ganon..masabi lang na “in” kahit wala na sa lugar..^^” wala lang..wahahaha

  1. wala ako hilig sa kpop pero mahilig ako sa mga tulad nila cute na uri ng nilalang!

    • Bwahahaha!! Nilalang talaga eh. Ginawa mo namang mga gremlin yung mga kras ko. Salamat sa pag comment at pagbisita! xD

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Advertisements
%d bloggers like this: