Archive for June, 2010

Dramu dramu mode! Ngayon lang to! xD

Wow. Ilang buwan ko pala hindi nagalaw ang blog ko. Hehe! Wala kasi ako maisulat na maayos kaya mas pinili ko na lang na wag magsulat kesa pilitin ang sarili ko na mag post kahit walang kapararakan ang sasabihin ko.

Ay teka.. Papatugtog muna ako bago ko tuluyan simulan tong post ko na to..

*Bukas folder.. Hanap tugtog.. Napagdikitahan ang Glee soundtrack.. Play All.. Go.*

Lean on Me….
Sometimes in our lives, we all have pains, we all have sorrows. But if we are wise, we know that there’s tomorrow. Lean on me when you’re not strong.

Yon oh. Saktong sakto. Hehehe! May kinalaman ng onting onti sa kantang yan ang aking post. Nyehehe! Pagpasensyahan nyo na po kung medyo magiging emo ang post kong ito. 🙂

The past few month, or should I say months.. Had been hard for me. Not because may problema ako sa office, or sa bahay, kundi sa aking.. Ehem ehem.. Lovelife. Bwahahahaha!! Shet. Meron nga ba ako non? Wala ata. Ilusyon ko lang yon. xD
Ganito kasi ang mga pangyayari.. There was this girl who made me feel special. She was always there for me 101%. Or at least I thought she did. Good friends naman kami until ngayon pero syempre, tulad ng ibang magkakaibigan, dumarating sa buhay nila na magkakaron sila ng gap. At dumating samin yon. Di ko na lang siguro papangalanan si girl dahil alam naman ng karamihan kung sino ang tinutukoy ko. Hehe! Gusto ko lang ilabas ang dinadamdam ko ngayon. Ah wait, di naman dinadamdam, kundi nararamdaman. Magkaiba ata yon. Nyehehehe!

FLASHBACK!!!

As everyone knew, umalis si girl papunta sa ibang bansa para mag work. Nalungkot ako ng sobra nung nalaman ko na paalis na siya. At that time, dumalas yung mga pagkikita namen. Madalas kami nun lumabas para magbonding. At during those bonding moments, na-realize ko na mahal ko pala talaga siya. Tama nga yung kasabihan na mare-realize mo lang yung worth ng isang bagay kapag wala na ito sayo. Well, sa case ko, na-realize ko na agad di pa man nawawala dahil siguro nga sa alam ko na mawawala na siya for some time. Kahit alam ko naman na babalik din siya, di ko pa rin maiwasan nun na malungkot ng bonggang bongga. Sorry na. Tao lang. xD
Nung araw na aalis na siya, wala talaga ako balak na ihatid siya. Kahit pa nag promise ako na ihahatid ko siya. Ayaw ko siya makitang umalis. Pero wala, napilit ako ng isang kaibigan ko na ihatid siya. Nung oras na aalis na siya, wala na ako ibang nasabi sa kanya kungdi “Ingat.” at isang yakap. Yun lang. Nga pala, di ko pa nasabi sa kanya nun na mahal ko siya ng higit pa sa isang kaibigan. Hahahaha! Yak. Cheesy. Pero totoo yon.

Lumipas ang ilang buwan, nung hindi ko na kaya pa itago ang nararamdaman ko for her. Sinabi ko din naman. Natawa lang siya. Sabi niya hindi daw niya maintindihan kung bakit daw “kami” nagkakagusto sa kanya. Gusto ko sabihing marami ako ng dahila para mahalin ko siya ng ganun pero ang nasabi ko na lang eh “Basta. Yun ang nararamdaman ko.”. Talk about being vague. Hahaha!
Well, as I have expected, I was turned down. Pero maayos naman ang pagkaka basted nya saken so okay lang din. Walang hard feelings. We regularly talked. Usap kami sa Skype or sa YM. Tamang kwentuhan. Tamang kamustahan. Until the day that I feared came.

Nagkaboyfriend siya.

Nung una nya palang sinabi yung tungkol don, na bother talaga ako. Hahaha! Di ko alam kung ano iisipin ko or gagawin or mararamdaman. Dapat ba ako magselos or something? Tanong ko pa nga, may karapatan ba ako magselos? Nag confide ako sa ilang mga kaibigan ko at may isang nagsabi saken ng ganito: “Kailangan ba magkaron ng karapatan mag-selos? Emotion yun. Di mo mapipigilan yun kung yun talaga nararamdaman mo.”. Maraming salamat sa taong nagsabi sa’ken nyan. Dahil don, pinabayaan ko ang sarili ko kung ano ang mga gagawin ko. Napag desisyunan ko nun na iwasan muna si girl hindi dahil ayaw ko na sa kanya at bitter ako, kungdi para i organize ko ang sarili ko. Oo, nagselos nga talaga ako. Nasaktan ako. And what better way to heal a broken heart is to pour it all out sa kung sino mang nilalang jan sa tabi. Wala ako pakelam kung yung mga taong napagsabihan ko nun ay may care sa mga sinasabi ko nun or what. Para saken, mailabas ko lang lahat ng laman ng puso at isip ko eh enough na para saken. Iniwasan ko na kausapin si girl. Di ko na lang explain kung anong methods ang ginawa ko para maisawan siya. Hehehe! Di ko nga akalain na kaya ko pala yun. xD

I was really down those past months. Trying hard ako maging masaya. I set up a front na okay lang ako pero pag ako na lang mag isa talaga ay bonggang lumuluha ako. Nyahahaha! Muli, sorry na. Tao lang. Hahahaha!

PRESENT TIME!!

Ngayon, okay na ako. Took me 2 months para maka get-over. Masaya na ako dahil alam ko na masaya siya sa piling ng guy na gusto nya. Masaya na ako dahil nalagpasan ko yung feeling na hopeless ako. Nung mga panahong malungkot ako, sobrang baba ng self-esteem ko nun. Lagpak talaga. Masaya ako dahil may mga kaibigan ako na nakinig saken nun maging “bitter”, nakinig sa mga kagaguhan ko. Na-realize ko na kahit pala sira ulo ako eh may mga taong handang makinig saken at seryosohin lahat ng kalokohan na sinasabi ko.

At mas masaya ako dahil nung nga panahon na hindi kami nag uusap ni girl, ngayon eh nakakausap ko na siya uli. Yun nga lang, napansin ko na hindi na katulad ng dati yung usap namin. May gap na. Pero okay na ako dun. At least nakakapag usap kami. Kesa naman sa wala. Hehe! Sabi nga namin non, nakakapang hinayang naman na itapon ang almost a decade of friendship over “silly and trivial things”.

So yun lang. Bwahahahaha!

Subukan ko na uli mag blog.

See you guys around!! n_n

Advertisements
Advertisements