A post for my Apo. I’m back! :)

Whew! Tagal din ako hindi nakapag blog. Hehe! Medyo naging busy lang sa office. Medyo marami na din kasi pinapagawa kaya hindi ako nagkaron ng time para magsulat. At dahil bakasyon ngayon, sinamantala ko na ang pagkakataon para makapagsulat ulet. Hehehe! Kung hindi ko to gagawin ngayon, malamang hindi pa uli ako makakapagsulat. Ehehe!

Nag-PM saken ang aking butihing pinsan na itatago ko sa pangalang Jell. Siya ang pinakamatanda kong pinsan sa father side. Mabait naman siya kahit madalas niya ako ibully. Sabi niya, ganun daw siya magmahal. Bully. Haha! Pero hindi tungkol sa kanya ang post na ito kundi sa kanyang inutos saken.

Nag-message siya saken sa Facebook mga 2 weeks ago. Magsulat daw ako tungkol sa lessons learned or best memory ko with my Apo Jose and Apo Perla. Para sa mga hindi po nakaka-alam, ang term na Apo ay ang kapampangan word for Lolo and Lola.

Aaminin ko, hindi naging madali ang pagsusulat tungkol sa tema na binigay saken ni Ate Jell. Mahirap siya hindi dahil sa wala ako maisip na isulat kundi dahil sa sobrang dami ng gusto ko isulat, hindi ko alam kung san at papano ako magsisimula. Simula kasi pinanganak ako at nagkaisip, kasama ko na ang aking mga Apo. Marami silang na-share saken na kung ano ano. Minahal, ginabayan, inalagaan, napagsabihan nila ako throughout the 24 years of my life. At dahil sa masyado na mahaba ang intro ko at bago kayo mabagot sa pagbabasa, eto na po ang assignment ko. Ipapasa ko na. 🙂
——————————————————-
24 years of love, lessons and memories with my Apos and still counting! What have I learned? 🙂

Sino sa inyo ang may mga lolo at lola pa? O kaya nakatira bahay ng kanilang grandparents? Ako, I have been very blessed dahil yung lolo at lola ko sa father side ay parehong buhay pa. Sa mom ko wala na. Maaga kasing naulila ang mom kaya ayun. Though I don’t live at my grandparent’s house, from time to time, we see to it that we visit them or sometimes, they stay at our house for a week or so para “mag-bakasyon”.

Nung maliit pa ako, madalas ako i-deport sa Batang (Pangalan ng barrio kung san nakatira sila Apo.) para magbakasyon. Yun na ang pinakabonding ko kina Apo. Sa ngayon, dahil matanda na ako, di na ako nakakapagbakasyon sa Batang tulad ng dati pero madalas, napunta sila dito sa bahay. Naalala ko nung may tindahan pa si Apo Perla, madalas ako dun sa tapat ng tindahan nya at kumakain ng Marie at Suman.

Sa 24 na taon na nakasama ko sila, ano ba ang natutunan ko sa kanila? Magkapampangan? Hinde. Natutunan ko kung pano maging magalang, maging mabuting anak, ang magpahalaga sa aking pamilya, at syempre, ang pagdarasal at ang pagkakaroon ng takot sa Diyos. Mas specific? Bigay ako ng dalawa:

1. Ang pagdarasal bago kumain at matulog at syempre, ang pagsisimba tuwing Linggo. Naalala ko nun, kabisado ko pa dati yung kapampangan na prayer bago matulog na tinuro saken nila apo pero nakalimutan ko na. Hehe! Pero yung kapampangan na prayer bago kumain, naaalala ko pa. Syempre, kasi yun ang dinadasal namen hanggang ngayon bago kumain.

2. Ang pagmamano. Bawal na bawal ang hindi nagmamano. Nanay, Tatay, Tiyo, Tiya, Lolo, Lola, Ninong, Ninang, kelangan magmano pag nakita ko sila.

At sa 24 na taon na nakasama ko sila, ano ba ang fondest experience or memory ko with my Apo Jose and Apo Perla? Bukod siguro sa pag mga times na umuuwi kami ng Batang eh siguro eh yung nung time na sinasama ako nila Apo sa destino nila. Pastor kasi ang aking Apo Jose kaya noon eh pinapadala siya sa iba’t ibang bayan sa Pampanga at dun siya mags-stay. Pinaka-memorable eh yung nung na destino sila sa Sta. Teresa. Walang bata, puro matatanda. Sila Apo, ang ginawa nila para hindi ako mainip, sila ang nakipaglaro saken. Astig di ba? Hehehe!

Yan ang ilang mga bagay na hinding hindi ko makakalimutan na nai-share saken ng aking mga Apo. Dala ko ang mga aral at ala-ala na yon hanggang sa tumanda ako at ishe-share ko pa ito sa lahat ng willing makinig. 🙂

——————————————————-

Marami pa sana ako gusto i-share kaya lang baka ma-bore na kayo magbasa. Hehe! I really feel blessed dahil inabutan ko sila at hanggang ngayon ay nakakasama ko sa kanila. Wish ko nga eh sana abutannila ang apo nila saken dahil gusto kong makilala ng magiging anak ko ang dalawa pa sa pinaka importanteng tao sa buhay ko at naging parte kung sino at ako ngayon.

Bago ko tapusin ang post na ito, nais ko lang i-share pa uli ang isang linya na sinabi saken ni Apo Jose:

“Apo kita, dugo ko ang dumadaloy sayo. Hindi ka ibang tao saken apo.”

I am so happy and proud to be part of my Apo Perla and Apo Jose’s family. Kung ma re-reincarnate man uli ako, gusto ko maging apo nila uli ako sa next life and I wouldn’t have it any other way. Love you Apo Jose and Apo Perla! 🙂

La Familia 🙂

Advertisements
    • Euryx
    • October 31st, 2010

    Aww.. Naalala ko tuloy yung deceased grandmother (paternal) ko. Nawalan na rin ako ng grandmother sa mother side pero nung sa kanya, sobrang iniyakan ko talaga dahil sa attachment ko sa kanya..

    At tama, andami ko nga pong natutunan sa kanila.. In fairness, magkapangalan pa yung lola natin tsaka yung kasama namin ngayon.. :))
    Ayy at like ko yung sinabi nila sa iyo… Ang sweet.. ^_^

    • Wow cool! Magkapangalan ang mga lola naten! First time ko magkaron ng friend na magkapangalan ang mga lola! Haha! Cool!!!

  1. No trackbacks yet.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

Advertisements
%d bloggers like this: