Archive for November, 2010

Pag-isipan Mo

Nag babasa ako ng mga luma kong email ngayon at nabuksan ko ang mensaheng nais kong i-share sa inyo. Hehe! Wala lang. Something to ponder sabi nga ng title ng post kong ito.

————————-

Paki-usap, huwag i-delete. Itabi kung walang oras magbasa ngayon… Kung mahal mo ang Pilipinas. Mahaba, matalinhaga, matalim, makatotohanan. Bigyan ng panahon hindi lamang sa pagbabasa.

ANG TAMAAN AY HUWAG SANANG MAGAGALIT!

Tayo Rin ang May Kagagawan?

Sabi MO, ang gobyerno natin ay palpak.

Sabi MO, ang mga batas natin ay sinauna.

Sabi MO, ang lokal na pamahalaan natin ay hindi maganda ang pagkolekta ng basura at ang paglilinis ng mga lugar.

Sabi MO, hindi gumagana ang mga telepono,katatawanan ang kalagayan ng trapiko, at hindi nakakarating sa paroroonan ang mga sulat.

Sabi MO, parang nasadlak sa basura ang ating buong bansa.

Sabi Mo, sabi MO, sabi MO.

E ano’ng ginagawa mo tungkol dito?

Kumuha ka ng isang taong papunta sa Singapore.
Bigyan mo sya ng pangalan, yung sa IYO.
Bigyan MO sya ng mukha, yung sa IYO.

Lumabas KA sa airport nang pinakamatino mong sarili na maipagmamalaki sa mundo..

Sa Singapore.

Hindi KA nagtatapon ng upos ng sigarilyo sa kalye.

Ipinagmamalaki MO ang magaganda nilang underpass.

Nagbabayad KA ng mga 60 pesos para makapagmaneho sa Orchard Road.

Bumalik KA sa parking lot para bayaran ang parking tiket mo kung napasobra ka ng oras sa shopping o sa pagkain sa isang restaurant, sa Singapore, wala Kang sinasabi, meron ba?

Hindi MO susubukang kumain sa lantad kapag Ramadan sa Dubai.

Hindi MO susubukang lumabas ng bahay na walang takip ang mukha sa Jeddah.

Hindi MO susubukang lagyan ang isang empleyado ng kumpanya ng telepono sa London para mapunta sa ibang tao ang mga long distance na tawag mo.

Hindi MO susubukang lumampas ng 90 kilometers per hour sa Washington, at saka sasabihin sa pulis “Alam mo kung sino ako?”

Bakit di MO subukang dumura o magtapon ng upos ng sigarilyo o balat ng kendi sa mga kalye sa Tokyo?

Bakit hindi MO subukang bumili ng pekeng mga papeles sa Boston tulad ng ginagawa sa Recto?

Pinag-uusapan pa rin natin IKAW.

Ikaw na gumagalang at sumusunod sa patakarang banyaga sa ibang bansa pero hindi makasunod sa sarili mong lugar.

IKAW na tapon ng tapon sa kalye pagtuntong mo pa lang sa lupa.

Kung IKAW ay nakikisalamuha at pumupuri ng sistema sa bansang
banyaga, bakit hindi KA maging ganyan sa Pilipinas?

Minsan sa isang panayam, ang dating Subic Administrator na si Gordon ay may katwiran ng sinabi nyang “Ang mga aso ng mayayaman ay pinalalakad at pinadudumi ng may-ari sa kalye, tapos sila mismo ang pumupuna sa may katungkulan sa kapalpakan sa paglilinis ng mga kalye.

Ano ang gusto nilang gawin ng mga may katungkulan?

Magwalis tuwing makakaramdam ng hindi maganda sa tiyan ang kanilang alaga?

Sa America, bawat may-ari ng alaga ay dapat maglinis matapos ang pagdumi ng aso.

Ganuon din sa Japan.

Gagawin ba ng mga Pilipino yun dito? Tama siya.

Pumupunta tayo sa botohan para pumili ng gobyerno at pagkatapos nuon ay tinatanggal na natin sa sarili ang responsibilidad. Uupo tayo sa isang tabi at paghihintay ng pagkalinga at umaasa na gagawin ng gobyerno ang lahat habang wala tayong iniaalay.

Umaasa tayo sa pamahalaan na maglinis, ngunit hindi naman tayo titigil sa pagtatapon ng basura sa kung saan-saan, at ni hindi tayo pupulot ng anumang piraso ng papel para itapon sa basurahan.

Pagdating sa mga panlipunang talakayin tulad nang hindi pagiging tapat sa kasal, sa mga dalagang ina, sa pagtatalik ng walang basbas ng kasal, at iba pa, maingay tayong nagpoprotesta ngunit patuloy naman nating ginagawa ang mga ito.Sa sandaling tayo ay mangulila kapag nasa labas tayo ng bansa, naghahanap tayo ng aliw sa iba, kadalasan sa kapwa rin natin Pilipino, na hindi natin iniisip ang ating katungkulan na ating sinumpaan sa
ating pamilya nuong narito pa tayo.

Tapos sinisisi natin ang pamahalaan kapag nakikita natin ang karahasan sa kabataan, pagkagumon sa bawal na gamot, at iba pa, samantalang sinimulan natin ito sa hindi pagpansin sa pangangailangan ng ating mga anak ng tunay na pag-gabay at responsibilidad ng isang magulang. Ang sabi natin, “Ang
buong sistema ang kailangang magbago. Ano ang magagawa kung ako lang ang magpapabago sa aking pamilya?”

E sino ang magbabago ng sistema?

Ano ba ang mga sangkap ng sistema? Napakaginhawa sa atin na ang sistema ay binubuo ng ating mga kapitbahay, mga ibang tahanan, ibang syudad, ibang komunidad, at ang pamahalaan.

Pero hindi kasama IKAW at AKO.

Pagdating sa ating pagkakaroon ng positibong handog sa
sistema, ikinakandado natin ang sarili, pati na ang ating pamilya sa loob ng isang ligtas na pugad at tumatanaw na lang tayo sa malayong mga lugar at bansa at naghihintay ng isang Mr. Clean na dumating at maghatid na mga himala. O lumilikas tayo.

Parang mga tamad na duwag na hindi pinatatahimik ng ating mga
takot, tumatakbo tayo sa Amerika upang makisalo sa kanilang luwalhati at purihin sa kanilang sistema.

Pero pag naging masalimuot sa New York tatakbo tayo sa Japan o
Hongkong.

Pag nagkahirapan ang paghanap ng trabaho sa Hongkong, sakay agad tayo sa susunod na eroplano patungong Gitnang Silangan. Pag may digmaan sa Gulf War, inaasahan nating masagip at mapauwi ng Gobyernong Pilipino.

Lahat ay handang umabuso at gumahasa sa bansa.Walang nag-iisip na handugan ang sistema. Ang konsyensya natin ay nakasanla sa pera.

Mga mahal kong kababayan, ang sulating ito ay matinding nakakakislot ng isipan, nangangailangan ng maraming pagmumuni-muni, at tumutusok din sa konsyensya.

Medyo inuulit ko lang ayon sa ating salita ang mga salita ni
J.F.Kennedy sa kanyang kabansa upang maitugma sa ating mga Pilipino.

“Itanong natin kung ano ang magagawa natin sa ating bansang Pilipinas at gawin ang nararapat upang ang Pilipinas ay maging tulad ng America at ibang kanlurang Bansa ngayon.”

Gawin natin kung ano ang kailangan ng Pilipinas sa atin.

Ipasa ito sa lahat ng Pilipino.

Advertisements

Post halloween blah. xD

Medyo late na ang post na ito dahil tapos na Halloween at puro Christmas songs na ang pinapatugtog ng mga tao. Pero dahil adik ako at ngayon ko lang naisip ang magsulat uli, eto, tungkol sa patay ang post ko. Haha!

How I want to die? Gusto ko yung tulog ako. Yung hindi ko alam, patay na pala ako. Ayokong maranasan yung hirap at makitang nagdurusa ang mga taong nagmamahal saken. Shet. Ako na seryoso. Hahaha!

Nagbabasa ako ng mga plurk post ng mga kaibigan ko kanina at naispatan ko ang isang kakatuwang post ng aking bonggang bonggang sis. Sabi nya gusto nya daw pag namatay siya, yung tunog mayaman. Ayaw daw niya yung muka siyang kaawa-awa. At dahil napaka-taba ng utak ng sis ko, sabi niya ganito:

“Lumubog yung yate.”, “Nabomba yung ikatlong mansion.”, “Tinamaan ng bola sa golf course.”

Astig no? Pero sana pwede nga tayo mamili kung papano naten gusto mamatay. Yung magkaron lang ng choice kung papano mo gusto mag-paalam sa mundong ibabaw. Well, technically, pwede naman. Mag suicide ka, yun, sigurado, alam mo kung pano ka mamamatay. Ang sinasabi ko eh yung “legal” na way ng pagkamatay. Haha! Teka, sandali, meron nga ba nun? Bwahahaha!

Anyway, ayun nga. Gusto ko yung hindi ko mararamdaman na deads na pala ako. Yung tipong pag mulat ng mata ko: “Ay wow! Deads na pala ako! Husay!”. Ganon.

Sa pag ikot ko sa mundo ng internet, naghanap ako ng mga unusual na cause of death ng mga tao. Narito ang ilan sa kanila:

1. Jack Daniels (September 5, 1850 – October 10, 1911)

Yep. Siya nga. Yung alak. Siyang siya nga.

Cause of Death: Toe infection

Nung araw ng October 10, 1911, naisip ni Jack na pumasok ng maaga sa opisina. Pagdating sa opisina, bubuksan dapat ni Jack ang kanyang safe na may combination ngunit niya maalala ang combination. Sa sobrang frustration nya, sinipa nya ang nasabing safe. Resulta? Toe infection.

Rate: 7/10

Wag papasok ng maaga sa opisina para sipain, Nakamamatay

2. Li Bai or Li Po (701 – 762)

Siya husay gawa tula.

Cause of Death: Drowning

Si Li Po ay isang sikat na manunula na nabuhay nung Tang Dynasty. One of the greatest poet daw nung panahon na yun. Itatanong niyo, anung unusual sa pagkamatay nya eh lunod lang naman? Well well well, kaya siya nalunod ay dahil sa inattempt ni Li Po na yapusin yung reflection ng moon sa Yangtze River habang nakasakay siya sa bangka. Nahulog siya sa bangka at nalunod. Winner.

Rate: 9/10

3. Colley Brothers: Homer Lusk Collyer (November 6, 1881 – March 21, 1947) and Langley Collyer (October 3, 1885 – March 1947)

May kamuka siyang genius na scientist no?

Sa lahat ng na search ko, eto na ata yung pinaka epic. Ang magkapatid na ito ay mga hoarders. Mahilig sila mangolekta ng kung ano ano at hindi nila yun tinatapon. At dahil mga compulsive hoarders sila, gumawa pa sila ng mga booby traps sa bahay nila para hindi sila mapasok. Resulta? Natabunan sila ng mga sarili nilang nakolekta na kung anu ano. Newspapers, cardboards at kung ano ano pa. Unang nakita ang katawan ni Homer then si Langley.

Rate: 10/10

Where, where, where is Langley? Oh where’s Langley?

———–
Nakakatuwa or nakakatawa man ang cause ng kamatayan ng mga nilalang na nabanggit sa itaas, alam natin lahat na mamamatay din tayo balang araw. Malay mo, pagkatapos mo basahin ang post na ito ay bigla ka na lang maka-apak ng tinik ng galunggong tapos umabot ito sa puso mo at bigla ka mamatay. Knock on wood. Hehehe!

Bilang pagtatapos sa post na ito, nais kong ibahagai ang isang maikling kwento sa buhay ko.

May nakilala ako noong nasa 1st year high school ako. Mabait siya, maaalalahanin, at sobrang mapagmahal. Namatay siya nung ako ay papasok ng 1st year college. Namatay siya sa sakit na Leukemia. May sakit na pala siya nung nagkakilala kami.

Kung ako sana ang masusunod, gusto ko sana, magkasama kaming nawala sa mundo para cool. Nang dahil sa taong yon, naranasan ko ang magmahal ng totoo at naramdaman ko kung papano magmahal ang taong hindi mo kadugo.

Masyado atang serious kung dun ko tatapusin ang post na ito kaya eto:

You better watch out, you better not cry, you better not pout I’m telling you why, Sa-da-ko is watching you now.

Belated Happy Halloween!! xD