Archive for April, 2011

To my HS barkada. An open message. :)

Woot! Buong buwan ng Marso pala ako hindi blog. Hehe! Yung last post kop ala ay nung Valentines pa. Hehe! Medyo tinamad din kasi ako mag blog kaya hindi ko ito naharap. Hehe! Kahit yung mga blogsites na madalas ko puntahan at basahin eh hindi ko din nabisita for the past weeks dahil sa katamaran ko. Tsaka ano din kasi, iniwasan ko din talaga kasi naiingit lang ako sa kanila dahil may mga nasusulat sila sa mga blog nila samantalang ako eh walang inspirasyon para magsulat. Ehe!

Ok sige, fast update muna sa buhay ko. Feb.. Nagpunta ako Thailand. Wala naman masyado event don. Di ako nagblog tungkol don kasi hindi din naman naging ganun ka striking sa memory ko yung mga pinaggagaawa ko doon. Except for the fact na nakasakay na ako ng elepante eh wala na talaga akong masusulat bukod don. Haha! Sorry na. Thailand was really not for me. But it was a nice change for me kasi yun yung unang non-Chinese country na narating ko. xD

March? Mmm.. Graduation ni Beben (Grade 6. Oo. 1st year HS na sa pasukan si Beben. How time flies.), at gumraduate na sa wakas si Pachi at DJ. And it hit me… GRADUATE NA HALOS ANG LAHAT!! Wooo!! At dahil sa mga kabarkada kong yan kaya naisip ko magsulat. Naisip ko kasi na wala pala ako gift sa kanila nung nagsipag tapos sila ng pag-aaral. At dahil din sa wala ako pera ngayon, eto na lang ang gift ko sa kanila, isang blogpost n ide-dedicate ko para sa kanila. Kaya Pritz, Mitch, Mel, Pachi, DJ, Pia, and Jimer, read on. 

PRESENTING.. MY HS BARKADA!!!! 😀

Pritz:

Ethylene Pristine G. Granaderos - BS Nursing - St. Jude College

Pakilala:

Eto si Pritz, pinaka-maliit sa aming barkada, pero pinaka-matapang. Matakot kayo sa kanyang ume-11th floor na kilay at masindak sa kanyang braso na kayang patumbahin ang 5 lasing na siga. Hehe! Friend ang tawagan naming sa isa’t isa. Naging term of endearment na namin yon. Ako yata me pauso. Haha! Nung HS, dyosa ang tawag ko sa kanya. Tanungin nyo na lang siya kung bakit. Haha! Kung gusto nyo din pala ng full body workout, buhatin nyo na lang siya. Ewan ko lang kung di matagtag mga taba nyo sa pagbuhat sa kanya. Trust me, I know what I’m saying. Kasi di lang taba natagtag saken, pati kaluluwa ko muntik humiwalay nung binuhat ko siya. 😀

Message ko for her:

Friieeeend! Ano ba? Syempre congrats naman sayo di ba? Oo, late yung bati ko ng congrats. Haha! Alam kong super na-stress ka sa mga duty duty mo pero de ba? You made it! Nakatapos ka at ngayo’y isa nang RN! At alam kong malapit mo na din ako patayin nung mga panahon na nag rereview ka at naging napaka-supportive ko sayo. Yung mga sinabi ko sayo during your review? Remember those? Haha! Well well well, at least, licensed nurse ka na ngayon! Bongga! Haha!

At alam kong sa ngayon ay hirap ka makahanap ng work, I pray that you will find the strength and wisdom to pursue your career. Wag ka susuko. Wag ka papadala sa sinasabi ng iba. I always have your back when you need me. Patience is a virtue. You will also find your own place. Sabi mo, para kayong pirated DVD sa Quiapo sa sobrang dami nyo. I say, may bibili din sayo dahil mabenta ang porn! Ilako mo lang ng maayos ang sarili mo at presto! Mabibili ka din. Haha! Don’t give up! Akiramenai! Love you friend! 

Mitch/Bitch :p

Michelle Pauline D. Nermal - BS Nursing - University of Perpetual Help System DALTA

Pakilala:

Si Mitch, or Bitch, naman ang pinaka masungit samen. Haha! Malakas mag-sungit yan sa mga tao na hindi niya kilala kaya napaka swerte ko dahil isa ako sa mga tinuturing niya na kabarkada. Matindi trip namen neto ni Mitch nung HS. Bloody bato bato-piks ang laro naming. Ang matalo, hahampasin sa braso. At dahil mahusay akong manlalaro ng bato bato piks, siya ang umuuwing duguan. Hehe! Lakas din mambasag neto. Yung mga hirit nyan? Nako. Panalo. At magaling din siya mag timpla ng inuming nakalalasing. O baka yung mommy nya yon? Haha! Anyways, ayun, labs ko din tong babaeng to. At wag nyo siya tatawaging Bitch. Ako lang me karapatan tumawag sa kanya non. 😀

Message ko for her:

Meeeeeeeeeeeettttttccchhh!! Kelan alis naten? Haha! Dyusko! Naglililindol na oh! Kelangan makalabas na tayo ng NCR bago man lang magunaw ang Earth! Haha!

Kidding aside, I wish you all the best on your endeavors. Alam kong enjoy na enjoy ka sa ginagawa mo ngayon kaya keep it up (Oh feeling ko lang na nag-eenjoy ka? Haha!). Mag-iingat ka palagi sa duty mo. Baka kasi mamaya ikaw naman mapano sa kaka responde mo. Before you save others, isipin mo din muna ang safety mo. Ako na nag-marunong dun sa sinabi ko. Hahaha! I’m really really proud of you. Di ko lang masabi verbally pero yun talaga yun. Dito lang ako when you need me. Wag mo lang ako uutangan. Wala ako pera. Tulog ako. Umalis. Naglalaba. Balik ka na lang next year. 😀

Mel

Lordimel S. Solatorio - BS Information Technology - Lyceum Alabang

Pakilala:

Si Mel, bespren noon, kinakapatid na ngayon. Magkasama na kami since Grade 5. Siya pinakamatagal ko ng kaibigan sa mga kabarkada ko. Hindi na matatawaran ang pinagsamahan namin. Nakita na nya ang aking ups and downs. Pati mga ka-adikan ko alam nyan. Wala na ako maisip. Yun lang :p

Mensahe ko for him:

Dahil alam kong hindi mo dig ang mga gantong chorva, eto na lang: Congrats, good luck at God bless.

Pia

Pia Isael C. Factor - BS Physical Therapy - University of Perpetual Help System – Dr. Jose G. Tamayo

Pakilala:

Wooo! Mam yes mam! Haha! Kabarkada ko nga din pala to. Eh kasi naman hindi nagparamdam nung college days naming. Lakas din ng tama ng babaeng to eh. Haha! Pero hindi ko maitatanggi na isa din siya sa mga pinakamamahal kong barkada ko. Ewan ko na lang ngayon. Haha! Nag rereturn of the comeback pero di ko ma-feel ang presence. Haha! Pero nonetheless, isa siya sa mga kasa-kasama ko nung HS at NEVER KO KAKALIMUTAN YON. Chaka mo Pia! Haha! xD

Message ko for her:

Wag ka na! Haha! Joke lang. Oo, madalas kita i-bully pero alam mo din na I usually don’t mean those mean things. Haha! At sa tinatahak mong landas ngayon, kahit di ko din maintindihan kung bat yan ang gusto mo, eh go lang! Kung san ka masaya, diyan ka. Dito ako. Papalakpak na lang ako sa mga magiging achievements mo. Galingan mo. Pag sikat ka na, pa otograp na lang! 😀

Pachuchenes/Pachuchay/Pachi

Michelle Librada L. Marquez - BS Hotel and Restaurant Management - Lyceum Alabang

Pakilala:

Si Pachuchenes and everything, ang pinaka-matalik kong kaibigan na bonggang bonggang napapatawa ako palagi. Love her love her love her. Malapit ko na nga siyang gahasain eh. Haha! Seriously, I owe a lot of things to her. Di ko na lang sasabihin kung anu yung mga yun. Haha! Siya nga pala ay isang Snorlax na level 100. Mahirap siya pakilusin at paliguin. Pero kahit na ganyan siya, labs ko siya. At nais ko pala i-share ang pinaka favorite kong sinasabi nya: “Oh no! I’m getting wet!!” 😀

Message for her:

Pachuchay!!! Hahaha! Ano ba? Ahmm.. MALIGO KA NA!! Hahaha! Love you Pachi! Sa wakas! Graduate ka na! Welcome to the real world! Good luck sa mga susunod mong endeavors. Alam kong kaya mo basta gusto mo. Ikaw pa! Hehe! Suportado kita sa lahat Pachi kaya kung kelangan mo ng tulong ko, sigaw ka lang, kahit siguro tulog ako, gigising akong pilit para sayo. Ganun kita ka labs. Biruin mo, natutulog ako tas gigisingin mo ko tas gigising naman ako, para sayo! Hahay! Good luck Pachi! I’m really really really proud of you! God bless Pachuchay!! 😀

DJ

Walang peekshur! Hahaha!!!

Fernando S. Ignacio Jr.
BS Hotel and Restaurant Management
University of Perpetual Help System – Dr. Jose G. Tamayo

Pakilala:

Weh. Hindi ako sure kung tama pinaglalagay kong info dun sa caption. Haha! Etong si DJ, kaklase ko buong HS. As in BUO. Haha! Soulmates kami eh. Hahaha! Sa kanya ako natuto maglaro ng Castlevania: Symphony of the Night tsaka Legend Of Dragoon. Haha! Gamer na katulad ko kaya nagkakasundo kami. Lakas amats din tong si DJ. Lakas mang trip nyan. Ingat kayo jan. xD

Message for him:

Ahhhmm.. CONGRATS! Wahahaha!! Ano pa ba? Wala. Wala na ako message! Hahaha! CONGRATS!!! Yung baby ko pala, bonggang minake-over mo! Grabe ka! Di ko na makikilala baby ko pag nagkita uli kami! Haha! Swimming na yaaan! San ka pala mag wowork na nyan? Don’t tell me, magpapahinga ka din? Haha! Sasaktan kita! Haha! Anyways, good luck sa iyong future work! Wag ka tatamarin maghanap ng work! Wag ka gagaya dun sa kakilala naten. Bwahahaha!! INUMAN NA!! ALAK PAAAA!!! xD

Jimer

Wala din peekshur!!!

Maria Jimer Ann L. David
BS Nursing
University of Perpetual Help System DALTA

Pakilala:

Pinaka iyakin naman samen tsaka pinaka-matanda! Haha! 1 year gap nya saken eh! Hahaha! Isa din sa pinaka-maliit. Hahaha! Very sweet na person. Hahaha! Ano pa ba, wala na ako masabi! Hahaha! Sorry na. Love you Jimer!! xD

Message for her:

Ahhmm.. Ahmm… Ano ba…? Ahmm… Hahaha!! Good luck sa lahat Jimer! Kahit hindi tayo madalas magkasama at nagkikita lang talaga pag may okasyon, know that I am always here for you. Good luck sa lahat ng ginagawa mo. Hehe! See you around my friend! Love yah! 😀

To Pritz, Mitch, Mel, Pia, Pachi, DJ and Jimer,

Ayan. Hehe! Pasensya na kayo at eto lang nakayanan kayo. So ayun lang, I wish all of you guys the best in the world. We may sometimes fight, but I know that we can overcome all of those things because I know that we love each other more than we know. Hehe!

I hope and pray that eveyone will always be fine and will be successful on our chosen paths. We may not always be physically together now but I know that we are always one in spirit. I’m proud of you guys and will always be my pride and joy. Love you all guys. 🙂

– mJ

Advertisements