Archive for the ‘ blah blah blah.. xD ’ Category

Pa-Fesbuk nga!

Okay, nagbabasa ako ng mga wall post ko kanina at biglang nakita ko ito. Natuwa ako sa isang post na ito kaya naman ishe-share ko din sa inyo.. Hehe!

——————-

PA – PEYSBUK NGA!!!!” [Read this very funny!]

"Ui friend! Pa log in naman sa FB. Check ko lang kung may nag comment sa picture ko."

“PA – PEYSBUK NGA!!!!”. Linya ng estudyante na uubusin ang baon para makapagrent sa isang internet shop. Linya ng isang empleyado pagkadating niya sa opisina at naabutang ginagamit ng katrabaho ang office computer. Linya ng kapitbahay na gustong maki gamit ng internet sa kadahilanang hindi siya nakapagbayad ng bill. At kung sino man ang sinasabihan nila, malamang ang isasagot nito ay.. “teka, log out ko lang..”. Nagpe-facebook din pala.

Facebook. Ang social networking site na lumamon sa myspace at friendster. Ito rin ang pilit kinakaibigan ng ilan pang aspiring forms of social media. Pansinin mo, yung mga bagong kumakaribal sa Facebook e may feature kung saan magrereflect din sa FB account mo ang kung ano mang post mo, gamit ang site nila. Gaya nalang ng twitter, tumblr at kung ano ano pa. Parang pelikula. Pag pinalabas ito sa sinehan sa guadamall (ang mabagsik na mall sa guadalupe), ipapalabas din ito sa sinehan ng MOA. Nagkakaiba nga lang sa level ng urine aroma at dami ng surot sa upuan.

Sa sobrang popularidad nito ay pwede na itong iconsider na necessity. Iba na ngayon. Humans need food, water and facebook. Clothing? Ano ngayon kung nakahubad. At least. nakaporma ka naman sa bago mong profile picture. Pwede na ngang iconsider ang kasalukuyan bilang “The Facebook Era”. Ang panahon kung saan tangap na ang mga bading at tomboy (kaya ikaw, wag na magpanggap, ok na daw, di mo na kelangan mag gym kuno), kung saan mas mahal nang mga tao ang aso kesa sa kapwa nila tao (inday!! ibigay mo ung ulam mo kay brownie, mag skyflakes ka nalang!!!), kung saan lahat ay tumatakbo sa mga marathon, kung saan lahat ay may necklace na ang pendant ay isang mamahaling camera, kung saan papalitan na ng cobra at sting ang dumadaloy sa mga tubo ng NAWASA, kung saan lahat ng statement ay dapat magtapos sa isang uri ng emoticon (uy, tang ina mo, joke. (“,) ). Lahat ito ay bahagi na ng social norm. Lahat tangap na. Pero huwag. Uulitin ko. HUWAG NA HUWAG mong sasabihin, lalo na sa isang pampublikong lugar na. “Ay, wala akong Facebook eh..”. Patay ka dyan brad. Kiss of death yun. Baka bigla kang paskilan ng papel sa noo mo na may nakasulat na EEEWWWW!!!. Baka biglang magkaroon ng caste system sa pinas at lahat ng walang FB account ay mga untouchables. Pwede ring i-ekskomunikado ka ng simbahan katoliko at ipapakalat ito sa mga tweet ng arsobispo.

Kung stalker ka, di na kelangan ng paliwanag kung bakit adik na adik ka sa FB. Pero para sa masa. Ano bang meron dito?

Bukod sa green joke na ibinulong sayo nung tropa mong adik, pwede ka ding magshare ng pictures (aka pix),videos, notes at mga links mula sa iba pang sites. Makikita ito ng mga “friends” mo at pwede silang magkomento dito. Walang limit ang pagpo post. May sense man o wala. Healthy nga daw ito sabi nung mga sociologist. Exercising our rights to free speech daw ito. Pero lahat ba e post-worthy? O karamihan ay nagdadala lang ng badtrip.

Freedom of speech pala ha. Ito ang post ko tungkol sa mga post ng iba. Guilty tayo dito.

1. Iwasan ang pabigla – biglang pagpapalit ng relationship status. Lalo na kung mababaw lang ang dahilan tulad ng late reply sa text o hindi pag iloveyou sayo ang jowa mo kaninang alas tres (sarili nyong 3 o’clock habit). Dahil pag nagka-ayos kayo, at ibinalik mo sa dati ang status mo, ikaw din ang magmumukhang praning.

2. Walang masama kung purong tagalog ang shout out mo. Wag matakot na sabihan nang “uy makata”. Kesa naman panay nga ang english, sablay naman ang grammar at hindi kakikitaan ng sense ang sinabi. (iba ang you’re sa your).

3. Check in. Ang post kung saan sinasabi ang kasalukuyan mong lokasyon. Positibo. Pwedeng maging safety precaution. At least alam nila kung saan ka huling pumunta sakaling di ka mahagilap ng ilang araw. Negatibo. Easy prey ka sa mga serial killers o sa kaibigan na may galit sayo. (Ingat ka silvestre. hehehe)

4. May “about you” page ang FB. Dun mo isusulat ang mga hilig mo. Di mo na kelangan pang magpost ng magpost ng mga youtube videos nila Ozzy Osbourne, Metallica o Korn para ipagdiinan na rakista ka. Ikaw din, baka mahirapan kang panindigan. Lalo na pag tumugtog na ang paborito mong kanta ni Katy Perry. Napaindak at sing along si kumag.

5. Hindi kelangan magpost ng mga litrato o video nang iniembalsamo o bangkay na durog durog ang katawan at labas ang mga laman loob. Palit kaya kayo nung andun sa picture. Ako naman ang magpopost.

6. Magtira ng konting privacy para sa sarili. Hindi lahat ng bagay ay dapat ishare. Lalo na sa social media. Sarilinin mo nalang ang gusot sa pamilya o away mag asawa. Pribado na yon. Post ka ng post, tapos mababadtrip ka kung gagawing pulutan sa inuman ang kwento ng buhay mo.

7. Ok lang ipost ang mga bago mong gamit. Gaya ng mga gadget, damit o accessories. Natural lang maging proud ka lalo na kung pinaghirapan mo o importanteng tao ang nagbigay sayo nito. Di lang siguro tama na sabihing “hay nakakapagod na magshopping, andami ko kasi pinamili”.

8. Kung sakaling may nagpost ng malungkot o kaya’y tungkol sa isang masamang pangyayari sa kanila, wag mong i-like. Ano yun? Nagustuhan mo pa na sumemplang siya sa kanal.

9. Wag mong i-like ang sarili mong post. Kaya nga pinost mo in the first place. Mas malala kung ikaw din ang magcocomment. Parang loner ka naman nun.

10. Wag kang basta basta magpost ng nakakagagong comment, lalo na sa mga picture kung saan may mga taong di mo kilala. Halimbawa: “Pre, sino yang kasama mo sa pic? si Bella Flores?”. Huli mo na nalaman. Girlfriend pala niya yun.

11. Kung sakaling may nagpost ng matino at informative na mensahe. Magpasalamat. Huwag mag angas sabay comment nang “ay luma na yan, huli kana sa balita” o kaya “wala, kalokohan lang yan”. Wag kang magmagaling. Matalino kaba na parang si Rizal? E di pabaril ka sa Luneta.

12. Wag gamitin ang FB para magpakalat ng maling impormasyon at maghatid ng mass hysteria. Pero kung sino man ang napost na aabot dito ang radiation sa japan. Nagpapasalamat sayo ang manufacturer ng Betadine.

13. Wag sumali at i-like ang isang fan page kung puro kagaguhan lang ang ipopost mo sa wall nito. Halimbawa, nagpamember ka sa page ng isang seksing artista tapos mag cocomment ka lang ng “uy, sarap mo naman, parang mainit na lugaw sa malamig sa madaling araw”. Tapos magtataka, “hala.. bakit ako na banned?”.

14. Hindi lang ikaw ang may gustong manood ng sine. Wag kang mag post ng mga spoilers na maaaring ikabadtrip ng iba. “just watched Nardong Putik: Ang Pagbabalik Ni Totoy Burak, ganda ng ending, napatay nya ung kontra bida sa pamamagitan ng pagpukpok sa ulo ng isang palayok, pero sad dahil huli na nang malaman nya na tatay niya pala yun..”.

15. Di naman ata kelangan simulan ang post mo sa salitang “Damn!!” o kaya “Oh gosh” lalo na kung di naman malubha o kagulat gulat ang pangyayari. Halimbawa: “oh gosh, umuulan”. Taga saudi???

16. Wag matawa at kantyawan kung corny o masyadong romantiko ang isang post. Tandaan mo, magmamahal ka din. Lintik lang ang walang ganti. Dami kong kilalang ganyan.

17. Ok lang siguro ipost kung ano at kung saan ka kumakain. Iwasan lang yung pagpopost ng close up pictures nung pagkain mismo. Marami ang nagpapalipas ng gutom sa pamamagitan ng Facebook. Sino ka para inggitin sila. Parang yung feeling na, asa air-con bus ka, pauwi sa bahay at gutom tapos may kumag na kakain ng burger at fries. Langhap mo ang bawat kagat niya. Di maka tao. Dapat palitan ang pangalan niya. Gawing Lucifer.

18. Ok lang siguro ang mag post sa paraang Jejemon. Trip mo yun e. Wag mo nga lang asahan na seseryosohin ka kahit matino ang gusto mong sabihin. Expect mo rin na lahat ng comment sayo e magtatapos sa “jejejeje”.

19. Wag magimbita sa isang okasyon gamit ang shout out mo, tapos may ita-tag ka lang na piling tao. Bangag kaba? Makikita ng lahat ng “friends” mo na iilan lang ang gusto mo papuntahin sa nasabing okasyon.

20. Pwede ba?? HINDI PORKET ALL CAPS E GALIT ANG NAGPOST. BAKA LUMUBOG AT NASTUCK LANG ANG CAPS LOCK.

21. Sapat naman na siguro ang tatlong exclamation point para ipaalam sa bumabasa na puno ng emosyon ang post mo. Di mo kelangan punuin ng punctuations porket walang bayad ang extra characters tulad ng sa text messaging. Halimbawa. Pakyu ka!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!. Mali yun. Dapat. Pakyu ka!!!

22. Iwasang magpost kung ikaw ay (a) lasing, (b) nasa impluwensya ng ipinagbabawal na gamot o (c) hindi tinirahan ng ulam. Walang gustong makabasa ng pag aamok mo na puno ng mali maling spelling. Kung sakaling nakakaramdam ng “FB rage”, magpahid ng menthol toothpaste sa mga palad, at itampal tampal sa mukha mo hanggang sa kumalma.

23. Oo, dapat sulitin ang unlimited surfing na maghapon mong binantayan para lang maregister. Pero di ibig sabihin nun na post lang ng post. Halimbawa, ang ilalagay mo sa shout out mo e tatlong magkakasunond na tuldok. Ano yun? Buti pa quote nalang. Time is gold.

24. Wag trigger happy sa “share” button. Hindi porket di nagappear sa profile page ang mabangis mong status message e kelangan mong tiktikin ang pagpindot. Antayin mo lang. Mamaya ilang beses na pala napost. Paulit ulit. Wag kang atat. Lalo na kung ang ipopost mo e “Patience is a virtue”.

25. Wag mong kakumpetensyahin ang youtube sa dami ng video na nakapost sa wall mo. OK lang siguro kung ishare mo ang isang nakakatawang clip kung saan may nag susurfing na pusa o kaya naman e makabuluhang excerpt ng isang documentary. Wag naman yung lahat ng mtv ng kantang marinig mo sa jeep o lahat ng episode ng wow mali.

26. Wag ipahamak ang sarili. Kung sakaling pwede naman palang acronym ang isang term e wag mo na itong buuhin sa iyong post. Loud out loud!!!!.

27. Hindi masamang makisali sa mga occasional drives o campaigns. Tulad ng paggamit ng picture ng nanay mo pag mother’s day o pag post ng mensahe tungkol sa cancer bilang status message mo. Hindi porket di ka nakisali e cool o mas sophisticated ka.

28. Kung may nagcomment o nagpost sa wall mo na di mo kilala ang pangalan pati na ang picture. I-open saglit ang profile. Wag mo agad replyan ng makamandag na “HU U?”. Malay mo, tropa mo pala yun. Binaliktad lang ang pangalan. O kaya naman e dinagdagan ng H. Mhayhumhi Pharhedez.

29. Kung magcocomment ka, halimbawa sa isang picture, iwasang gumamit ng paghahalintulad sa ibang tao lalo na kung kagaguhan lang ang sasabihin mo. Halimbawa, “baduy ng porma mo pre, parang bisaya lang” o kaya “mukha kang magsasaka”. Tandaan, di ka lamang o nakahihigit sa mga bisaya at magsasaka. Ikaw kaya, magpost ka ng video tungkol sa mga unggoy, tapos may magcomment, “ambobobo naman nila, parang ikaw”.

30. Wag kang magatubiling bumati sa mga post tungkol sa panganganak ng isang ina, pagpapakasal ng magsing irog o pagkatangap sa trabaho. Sa magulong mundo, hindi ba’t masarap ishare ang mga positibong pangyayari.

Code of ethics. Wala. Oo. Walang basagan ng trip.

Pero hindi ba mas maganda kung ginagamit mo to sa matinong paraan?

Pa-Peysbuk nga!!!

——————

Kulit lang di ba? xD

Advertisements

Ang Epekto ng Adiksyon sa Isdang Nalulunod – Unang Yugto

Hindi ko na maalala kung kelan ako nalulong. Basta ang alam ko, hinahanap hanap ko na. Hindi na ako makatulog ng maayos dahil lagi ko inaalala. Gusto ko laging nakikita. Malapit na ako umabot sa punto na gusto ko muna magpaka-bum para lang magkasama kami. Pero pano pag nawalan ako ng trabaho? Pano ko tutustusan ang ka-adikan ko? Malala na ata ako. I need professional help.. CHOS! Haha!

Baka mabasa to ng mga kamag-anak ko at sabihing nag dodroga ako. Haha! Pero kung droga nga ito, adik na nga ako. Buti na lang hinde. Pero ano ba ang sinasabi kong kinaka-adikan ko na? Walang iba kundi.. TOKUSATSU. Haha!

QUESTION!!! Oo. Alam kong itatanoong yan ng iba. Ano ba yung Tokusatsu?

Sabi ni kaibigang Wiki:

Tokusatsu is a Japanese term that applies to any live-action film or television drama that usually features superheroes and makes considerable use of special effects (tokusatsu literally translates as “special filming” in Japanese).

O di ba? Mature na mature? Haha!

Nagsimula ang todo todo kong addiction ko sa kanila a few weeks ago nung nanood ako ng Samurai Sentai Shinkenger.

Tenkagomen no Samurai Sentai, Shinkenger, mairu!!

Na-enjoy ko ng sobra yung series. Ewan ba kung bat hanggang ngayon, sa edad kong ito, eh ang hilig ko pa manood ng mga ganitong palabas. Sabi ng nanay ko, weirdo daw ako. Sabi ko naman, kung ikukumpara ako sa ibang hayok sa mga gantong palabas, mild na mild na mild pa ang level ng addiction ko sa kanila dahil yung iba, bumibili pa ng mga items na galing dun sa series and all. Ako naman, hanggang nood lang. Mag-justify ba? Bwahahaha!

Kamtutingkopit, matagal na din naman ako nanonood ng mga tokusatsu series. Elementary pa lang ako eh nanonood na ako pero ngayon lang talaga ako nagka interes na bonggang bongga dito. Sige, para mas maintindihan nyo pinagsasasabi ko, kwento ko sa inyo ang ilan sa mga early toku’s na pinanood ko.

Hikari Sentai Maskman / Laser Squadron Maskman

Laser Squadron, MASKMAN!!

Michael Joe, Leonard/Lenard, Adrian, Eloisa at Mary Rose. Sila ang mga bida sa pinaka unang tokusatsu series na napanod ko. Naalala ko non, gustong gusto ko magkaron ng laruan na robot (Great 5 robo) nila pero sa kasamaang palad, hindi ako binilhan. Hehe! Galing na galing pa ako dun sa mga aura power nila tsaka yung tali na pinaglalaruan nila na pinapakita after ng episode. Haha! At hanggang ngayon, kabisado ko pa yung tagalog version nung Opening at Ending theme ng series na to. Hindi ito ang pinaka-paborito kong series pero gusto ko to. 😀

Choudenshi Bioman

Red 1! Green 2! Blue 3! Yellow 4! Pink 5! Bio team fight! BIOMAN!!

Dito ata ako una natuto bumilang tsaka mag identify ng color. Haha! Nagkaron ako ng laruan neto kaya lang di ko na maalala kung san napunta. At hanggang ngayon ay misteryo pa rin saken kung ano talaga ang kasarian ni Peebo. Sabi ng iba, babae daw siya. Sabi naman ng iba lalake siya. Ewan ko sa kanya. Bahala siya. Basta ang alam ko, panalo ang PINK SHIELD ni Pink 5 at GREEN BOOMERANG ni Green 2. xD

Kousoku Sentai Turboranger

Gehh.. Hindi ko maalala yung mga sinisigaw nila. Haha! xD

Eto ang tokusatsu na kakatuwa kasi tungkol sa mga fairies ang theme. Haha! Kyut na kyut pa ako dun sa isang kalaban dito na nagiging kotse. Wala ako masyado masasabi sa series na to dahil hindi ko pa to natatapos. Tatapusin ko pa lang pag nagkaoras ako. 😀

Chojin Sentai Jetman

Kami ang, JETMAN!! xD

Homage ito sa anime na Gatchaman kaya na enjoy ko ang series na ito. Gusto ko yung idea na nakakalipad yung mga tao dito. Hehe! Panalo pa yung technique ni Blue Swallow dito na nag ka-cartwheel ng madaming beses bago nya pabagsakin ang kalaban. Natapos ko ang series na to at imperness, nagandahan ako sa ending! xD

Chikyuu Sentai Fiveman

Chikyuu Sentai, FIVEMAN!!!

Ito ang pinaka favorite ko sa lahat ng sentai na napanod ko noon. Storya ito ng magkakapatid na… alien. Hahaha! Alien kasi hindi naman sila dito pinanganak sa Earth kahit pa human nag mga magulang nila. Maganda yung story. Gusto ko pa yung mga plushie na lumabas midway through the series na siyang mas lalo ko nagustuhan. Hehehe! At na-iinggit ako nun sa kanila kasi may nanny sila na robot. Gusto ko din non. Bwahaha!

Shaider

Shaider: Pulis Pangkalawakan

Sino ba naman ang hindi makakalimot kay Alexis at Annie. Haha! Isa lang ang dahilan ko non kung bat ko to pinapanod. Inaabangan ko lagi yung muka ni Ley-Ar. Haha! Pag naglalaro ako nun ng mga tau tauhan ko, kinukuha ko yung ceramic plate na display ni Mama para kunwari, yun si Ley-Ar. Haha!

Ah shigi shigi wakashigi ooooo waaaaa.... xD

Tsaka naalala ko, nandito sa series na ito yung pinaka weird na plot ng kalaban para sakupin ang mundo.. Ang ilagay sa loob ng cocoon yung mga tao at sa loob non eh kain ng kain ng fried chicken yung bihag. Bwahahaha! At dito din sa series na ito una ko nakilala ang Ocarina. n__n

——

Ayan. Yan yung ilan sa mga tokusatsu na napanod ko non. Sarap balik balikan ng mga series na yan. Buti na lang at may nabibilhan ako ng mga to kaya napanood ko na uli yung iba sa kanila. Yung iba na hindi ko nilagay, yun yung mga series na hindi ko naman masyado pinanod at inabangan. Hehe!

At sa kasalukuyan, merong isang playlist sa iPod ko na ang laman eh puro mga toku songs. Haha! Adik ba? Di naman siguro. Fan lang. xD

Sa susunod na post ko na naman ikukwento yung mga ibang mga tokusatsu series na napanod ko na. Hehe! :p

Para sa iyo, “Kaibigan” – An Open Letter

Mayron lang tumatakbo sa isip ko ngayon at wala ako mapagsabihan kaya dito ko ngayon sa post na ito ilalabas ang saloobin ko. Tamaan na ang tamaan. xD

———————

Mahal kong kaibigan,

Oh kamusta naman ang greeting na yan. “Mahal kong kaibigan”. Pormal na pormal! Hindi bagay saken. Hehe! Sorry naman at sa ganitong paraan pa kita kinausap. Pano naman kasi, masyado ka nang busy sa buhay mo. Not that I am complaining. Ok nga yan. Kahit papano ay naiibsan ang mga mumunting problema mo sa buhay. Sana ay palaging ganyan ang estado mo. Masaya, malusog, at masaya.

So ang tanong, bakit nga ba kita sinulatan? Kasi may gusto ako sabihin sayo kaya lang hindi ko alam kung pano ko sasabihin. Oo oo. Para akong tanga. Sa tagal na nating magkaibigan eh ngayon pa ako nag inarte ng ganito. But don’t get the wrong idea. Kaya ako nahihirapan sabihin sa’yo to ng harapan hindi dahil sa mahirap ito sabihin pero dahil ayaw kita makita o makausap ng personal. Di ako galit kung yun ang nasa isip mo. Sadyang nawala na lang talaga yung “connection” ko sa’yo.

Ayokong isipin mo na hindi ko pinahalagahan ang mga bagay na nagawa mo saken kaya heto: MARAMING SALAMAT SA LAHAT. Maraming salamat dahil nung mga panahong kailangan ko ang tulong mo, nandun ka naman kahit papano. Good times and bad times, andyan ka. Naalala ko non, may sinabi ka saken na lubos ako nalungkot at nasaktan. Hanggang ngayon dinala ko ang mga salitang yon. Tumatak sa isip ko yan kaya sinabi ko non sa sarili ko, matututo at masasanay din ako na wala ka.

Ngayon heto ako, natuto ako tumayo sa sarili kong mga paa. Cheesy ko no? Hehe! Ayos lang yan. Huling beses ko naman na ito gagawin sayo kasi.. Kasi.. Ayoko na. Ayoko na lokohin ang sarili ko na ayos lang sakin yung sinabi mong yon at hindi ako apektado. Pilit ko sinasabi sa sarili ko na alalahanin ang mga magagandang bagay na nagawa mo para hindi ako lumayo pero wala. Masyado na ako apektado ng mga pangyayari.

Tatanungin mo ko, ano nga ba nangyari? Marami nangyari. Pero dahil you are too dense to know it, hindi na ako nagtataka kung hindi mo man alam. Ayoko na sabihin kasi wala naman na din sense kung malaman mo. Hindi mo kailangan mag explain at hindi ko din kailangan ang explanation. Hindi mo din kailangan i-defend ang sarili mo kung gusto mo man dahil sarado na ang utak ko. Ok na ako na tamang nag uusap na lang tayo. Wala ng buddy buddy.

Ayun lang naman ang gusto ko sabihin. Wag ka mag-alala. Hindi naman ako nang iiwan sa ere. Dito pa din ako pag kelangan mo ko. Pero hindi na magiging tulad ng dati ang magiging trato ko sayo. Sinanay mo ako na wala ka at sinabihan mo akong hindi mo ako naiintindihan kaya para wala ka na iintindihin saken, didistansya na lang ako.

So ayun. Good luck sa lahat ng future endeavors mo.

-mJ-

———————-

Parang ang gulo ng post ko. Haha! Well, kunwari na lang naintindihan nyo yan. Sinulat ko lang talaga laman ng utak ko para mamayang pagtulog ko eh ok na ako at hindi ko na iniisip yan. Yun lang naman. Salamat sa pagbabasa. :p

A Series Of Post-Dated Posts. Part 2: Pasko-Berdey-Nyu Yir

Huuu!! Ngayon lang sumipa saken ang sipag para magsulat kaya ngayon ko lang uli to naharap. Well anyways, heto na. xD

Part 2.1 : Pasko

Masaya at unique ang naging Pasko ko last year. As usual, dalawang Christmas party ang talagang inabangan ko this year: Sa side ni Mama at side ni Papa. Sa totoo lang, 3 party ang na-atenan ko pero yung sa 2 lang yung ikukwento kasi dahil dun sa isa, wala naman naganap bukod sa nagsayaw ako sa harap ng madlang pipol at naregaluhan ako ng libro. Bleh. :p

Christmas Party with my Andal family was unique this year. Literal na nag party kami eh. Sa pagkaka-alala ko kasi, tamang kain lang then kwentuhan then bigayan ng gifts tas kain lang ulet then yun na. Last year was different. May program talaga thanks to my sister. At dun ko na receive ang isa sa pinakamagandang regalo na nakuha ko:

HARRY POTTER in BLU-RAY!! Yep! Proud owner. Thanks cuz!!

Sa father side, ganun pa din. Parteh parteh pero may sharing time. Pauso din ng sister ko tsaka nung uncle ko. T’was also good. Madaming blessings na dapat ipagpasalamat. 😀

Part 2.2 : Berdey

Yak. 24 years na pala akong nabubuhay sa planet Earth. Lubos ako nagpapasalamat sa lahat ng naka-alala ng aking kaarawan. Mula sa mga nag-text, tumawag at bumati sa FB, sobrang thankful ako sa mga bumati.

Simpleng dinner lang ang ginawa dito sa bahay unlike nung birthday ko 2 years ago na may parteh parteh. Dumating lahat ng mga close kabarkada ko at sobrang thankful ako sa presence nila. They always make my birthday extra special. Dun naman sa mga hindi nakapunta, ayos lang. I understand kung di sila nakapunta. Wag nyo na din pala asahan na sisiputin ko ang mga berdey nyo. Jok lang. Haha! xD

Part 2.3 : New Year

One word: BORING. Happy new year though!! 😀

—————–

Ayan. Wala na ako maisip na pwede ko pa idagdag sa post na to dahil kanina pa may tumatakbo sa isip ko na gusto ko isulat pero OT siya dito kaya gagawa na uli ako ng panibago. 😀

A Series Of Post-Dated Posts. Part 1: Anib

A Series Of Post-dated.. Posts. 

Part 1 : Anib

Yan ang pamagat ng blog post na ito dahil yun nga, ang mga susunod na posts ko ay ang utang kong mga kwento mula nung December last year hanggang sa ngayon. Hehe! At dahil nga sa nangako na magsusulat na uli ako, eto na. Sisimulan ko na.

Anib.

Anibersaryo ko sa blogging world nung December. Hehe!
Naki-anib ako sa mundong wala akong alam noon kundi ang maging taga-masid lang. Hehe! Masaya naman pala magsulat kaya naman kahit hindi ako palagi nakakapag post, I see to it na kahit once a month man lang eh makapag post ako. 😀

Gusto ko na din i-take ang opportunity na ito to thank Ate Cat for making me start a blog. Sige na nga, pati na din si lulepap. Kung hindi dahil sa kanila, hindi ko madidiscover ang pag ba blog. Aha!

Sa pagtatapos ng post na ito, nais ko lamang sabihin na ako’y lubos na nagagalak dahil sa tulong ng blog ko na ito, nailalabas ko ang aking talent (kung meron man. xD) sa pagsusulat at nailalabas ko din ang ilang damdamin ko na hindi ko kayang sabihin kaya isinusulat ko na lang. Haha!

Cheers to all at salamat pala sa mga taong nagbabasa ng blog ko at nag iiwan ng comment. 😀

And I’m back again! Happy new year!! :D

Nako, antagal ko pala hindi nakapag-blog. Eh wala din kasi ako maisulat noon na matino kaya ayun, pinabayaan ko na muna ang blog na ito. May topic naman ako pero yun nga, hindi ko magawan ng maayos na blogpost kaya minabuti ko na lang na wag muna magsulat. Nasa isip ko naman kung ano yung mga topic na yon. Gagawan na lang ng kwento. Haha!

Marami pala naganap sa buhay ko nung December. Gusto ko ikwento lahat kaya lang pag pinagsama sama ko sa isang post, baka mawalan ng gana yung magbabasa (Huuu.. As if naman may avid reader ako ng blog ko. Hello na lang kay Ate Cat at sa mga iba pang sumusubaybay sa blog ko. Kunwari nga meron. Wag na umangal. Blog nyo to? Blog nyo to? :D)

So ayun nga, magpapaka-active na uli ako dito sa blog ko. Pramis.

At bago ko makalimutan.. HAPPY NEW YEAR SA LAHAT! God bless you all!! 😀

Protected: Ako at ang aking “toyo”

This content is password protected. To view it please enter your password below:

Advertisements