To my HS barkada. An open message. :)

Woot! Buong buwan ng Marso pala ako hindi blog. Hehe! Yung last post kop ala ay nung Valentines pa. Hehe! Medyo tinamad din kasi ako mag blog kaya hindi ko ito naharap. Hehe! Kahit yung mga blogsites na madalas ko puntahan at basahin eh hindi ko din nabisita for the past weeks dahil sa katamaran ko. Tsaka ano din kasi, iniwasan ko din talaga kasi naiingit lang ako sa kanila dahil may mga nasusulat sila sa mga blog nila samantalang ako eh walang inspirasyon para magsulat. Ehe!

Ok sige, fast update muna sa buhay ko. Feb.. Nagpunta ako Thailand. Wala naman masyado event don. Di ako nagblog tungkol don kasi hindi din naman naging ganun ka striking sa memory ko yung mga pinaggagaawa ko doon. Except for the fact na nakasakay na ako ng elepante eh wala na talaga akong masusulat bukod don. Haha! Sorry na. Thailand was really not for me. But it was a nice change for me kasi yun yung unang non-Chinese country na narating ko. xD

March? Mmm.. Graduation ni Beben (Grade 6. Oo. 1st year HS na sa pasukan si Beben. How time flies.), at gumraduate na sa wakas si Pachi at DJ. And it hit me… GRADUATE NA HALOS ANG LAHAT!! Wooo!! At dahil sa mga kabarkada kong yan kaya naisip ko magsulat. Naisip ko kasi na wala pala ako gift sa kanila nung nagsipag tapos sila ng pag-aaral. At dahil din sa wala ako pera ngayon, eto na lang ang gift ko sa kanila, isang blogpost n ide-dedicate ko para sa kanila. Kaya Pritz, Mitch, Mel, Pachi, DJ, Pia, and Jimer, read on. 

PRESENTING.. MY HS BARKADA!!!! πŸ˜€

Pritz:

Ethylene Pristine G. Granaderos - BS Nursing - St. Jude College

Pakilala:

Eto si Pritz, pinaka-maliit sa aming barkada, pero pinaka-matapang. Matakot kayo sa kanyang ume-11th floor na kilay at masindak sa kanyang braso na kayang patumbahin ang 5 lasing na siga. Hehe! Friend ang tawagan naming sa isa’t isa. Naging term of endearment na namin yon. Ako yata me pauso. Haha! Nung HS, dyosa ang tawag ko sa kanya. Tanungin nyo na lang siya kung bakit. Haha! Kung gusto nyo din pala ng full body workout, buhatin nyo na lang siya. Ewan ko lang kung di matagtag mga taba nyo sa pagbuhat sa kanya. Trust me, I know what I’m saying. Kasi di lang taba natagtag saken, pati kaluluwa ko muntik humiwalay nung binuhat ko siya. πŸ˜€

Message ko for her:

Friieeeend! Ano ba? Syempre congrats naman sayo di ba? Oo, late yung bati ko ng congrats. Haha! Alam kong super na-stress ka sa mga duty duty mo pero de ba? You made it! Nakatapos ka at ngayo’y isa nang RN! At alam kong malapit mo na din ako patayin nung mga panahon na nag rereview ka at naging napaka-supportive ko sayo. Yung mga sinabi ko sayo during your review? Remember those? Haha! Well well well, at least, licensed nurse ka na ngayon! Bongga! Haha!

At alam kong sa ngayon ay hirap ka makahanap ng work, I pray that you will find the strength and wisdom to pursue your career. Wag ka susuko. Wag ka papadala sa sinasabi ng iba. I always have your back when you need me. Patience is a virtue. You will also find your own place. Sabi mo, para kayong pirated DVD sa Quiapo sa sobrang dami nyo. I say, may bibili din sayo dahil mabenta ang porn! Ilako mo lang ng maayos ang sarili mo at presto! Mabibili ka din. Haha! Don’t give up! Akiramenai! Love you friend! 

Mitch/Bitch :p

Michelle Pauline D. Nermal - BS Nursing - University of Perpetual Help System DALTA

Pakilala:

Si Mitch, or Bitch, naman ang pinaka masungit samen. Haha! Malakas mag-sungit yan sa mga tao na hindi niya kilala kaya napaka swerte ko dahil isa ako sa mga tinuturing niya na kabarkada. Matindi trip namen neto ni Mitch nung HS. Bloody bato bato-piks ang laro naming. Ang matalo, hahampasin sa braso. At dahil mahusay akong manlalaro ng bato bato piks, siya ang umuuwing duguan. Hehe! Lakas din mambasag neto. Yung mga hirit nyan? Nako. Panalo. At magaling din siya mag timpla ng inuming nakalalasing. O baka yung mommy nya yon? Haha! Anyways, ayun, labs ko din tong babaeng to. At wag nyo siya tatawaging Bitch. Ako lang me karapatan tumawag sa kanya non. πŸ˜€

Message ko for her:

Meeeeeeeeeeeettttttccchhh!! Kelan alis naten? Haha! Dyusko! Naglililindol na oh! Kelangan makalabas na tayo ng NCR bago man lang magunaw ang Earth! Haha!

Kidding aside, I wish you all the best on your endeavors. Alam kong enjoy na enjoy ka sa ginagawa mo ngayon kaya keep it up (Oh feeling ko lang na nag-eenjoy ka? Haha!). Mag-iingat ka palagi sa duty mo. Baka kasi mamaya ikaw naman mapano sa kaka responde mo. Before you save others, isipin mo din muna ang safety mo. Ako na nag-marunong dun sa sinabi ko. Hahaha! I’m really really proud of you. Di ko lang masabi verbally pero yun talaga yun. Dito lang ako when you need me. Wag mo lang ako uutangan. Wala ako pera. Tulog ako. Umalis. Naglalaba. Balik ka na lang next year. πŸ˜€

Mel

Lordimel S. Solatorio - BS Information Technology - Lyceum Alabang

Pakilala:

Si Mel, bespren noon, kinakapatid na ngayon. Magkasama na kami since Grade 5. Siya pinakamatagal ko ng kaibigan sa mga kabarkada ko. Hindi na matatawaran ang pinagsamahan namin. Nakita na nya ang aking ups and downs. Pati mga ka-adikan ko alam nyan. Wala na ako maisip. Yun lang :p

Mensahe ko for him:

Dahil alam kong hindi mo dig ang mga gantong chorva, eto na lang: Congrats, good luck at God bless.

Pia

Pia Isael C. Factor - BS Physical Therapy - University of Perpetual Help System – Dr. Jose G. Tamayo

Pakilala:

Wooo! Mam yes mam! Haha! Kabarkada ko nga din pala to. Eh kasi naman hindi nagparamdam nung college days naming. Lakas din ng tama ng babaeng to eh. Haha! Pero hindi ko maitatanggi na isa din siya sa mga pinakamamahal kong barkada ko. Ewan ko na lang ngayon. Haha! Nag rereturn of the comeback pero di ko ma-feel ang presence. Haha! Pero nonetheless, isa siya sa mga kasa-kasama ko nung HS at NEVER KO KAKALIMUTAN YON. Chaka mo Pia! Haha! xD

Message ko for her:

Wag ka na! Haha! Joke lang. Oo, madalas kita i-bully pero alam mo din na I usually don’t mean those mean things. Haha! At sa tinatahak mong landas ngayon, kahit di ko din maintindihan kung bat yan ang gusto mo, eh go lang! Kung san ka masaya, diyan ka. Dito ako. Papalakpak na lang ako sa mga magiging achievements mo. Galingan mo. Pag sikat ka na, pa otograp na lang! πŸ˜€

Pachuchenes/Pachuchay/Pachi

Michelle Librada L. Marquez - BS Hotel and Restaurant Management - Lyceum Alabang

Pakilala:

Si Pachuchenes and everything, ang pinaka-matalik kong kaibigan na bonggang bonggang napapatawa ako palagi. Love her love her love her. Malapit ko na nga siyang gahasain eh. Haha! Seriously, I owe a lot of things to her. Di ko na lang sasabihin kung anu yung mga yun. Haha! Siya nga pala ay isang Snorlax na level 100. Mahirap siya pakilusin at paliguin. Pero kahit na ganyan siya, labs ko siya. At nais ko pala i-share ang pinaka favorite kong sinasabi nya: β€œOh no! I’m getting wet!!” πŸ˜€

Message for her:

Pachuchay!!! Hahaha! Ano ba? Ahmm.. MALIGO KA NA!! Hahaha! Love you Pachi! Sa wakas! Graduate ka na! Welcome to the real world! Good luck sa mga susunod mong endeavors. Alam kong kaya mo basta gusto mo. Ikaw pa! Hehe! Suportado kita sa lahat Pachi kaya kung kelangan mo ng tulong ko, sigaw ka lang, kahit siguro tulog ako, gigising akong pilit para sayo. Ganun kita ka labs. Biruin mo, natutulog ako tas gigisingin mo ko tas gigising naman ako, para sayo! Hahay! Good luck Pachi! I’m really really really proud of you! God bless Pachuchay!! πŸ˜€

DJ

Walang peekshur! Hahaha!!!

Fernando S. Ignacio Jr.
BS Hotel and Restaurant Management
University of Perpetual Help System – Dr. Jose G. Tamayo

Pakilala:

Weh. Hindi ako sure kung tama pinaglalagay kong info dun sa caption. Haha! Etong si DJ, kaklase ko buong HS. As in BUO. Haha! Soulmates kami eh. Hahaha! Sa kanya ako natuto maglaro ng Castlevania: Symphony of the Night tsaka Legend Of Dragoon. Haha! Gamer na katulad ko kaya nagkakasundo kami. Lakas amats din tong si DJ. Lakas mang trip nyan. Ingat kayo jan. xD

Message for him:

Ahhhmm.. CONGRATS! Wahahaha!! Ano pa ba? Wala. Wala na ako message! Hahaha! CONGRATS!!! Yung baby ko pala, bonggang minake-over mo! Grabe ka! Di ko na makikilala baby ko pag nagkita uli kami! Haha! Swimming na yaaan! San ka pala mag wowork na nyan? Don’t tell me, magpapahinga ka din? Haha! Sasaktan kita! Haha! Anyways, good luck sa iyong future work! Wag ka tatamarin maghanap ng work! Wag ka gagaya dun sa kakilala naten. Bwahahaha!! INUMAN NA!! ALAK PAAAA!!! xD

Jimer

Wala din peekshur!!!

Maria Jimer Ann L. David
BS Nursing
University of Perpetual Help System DALTA

Pakilala:

Pinaka iyakin naman samen tsaka pinaka-matanda! Haha! 1 year gap nya saken eh! Hahaha! Isa din sa pinaka-maliit. Hahaha! Very sweet na person. Hahaha! Ano pa ba, wala na ako masabi! Hahaha! Sorry na. Love you Jimer!! xD

Message for her:

Ahhmm.. Ahmm… Ano ba…? Ahmm… Hahaha!! Good luck sa lahat Jimer! Kahit hindi tayo madalas magkasama at nagkikita lang talaga pag may okasyon, know that I am always here for you. Good luck sa lahat ng ginagawa mo. Hehe! See you around my friend! Love yah! πŸ˜€

To Pritz, Mitch, Mel, Pia, Pachi, DJ and Jimer,

Ayan. Hehe! Pasensya na kayo at eto lang nakayanan kayo. So ayun lang, I wish all of you guys the best in the world. We may sometimes fight, but I know that we can overcome all of those things because I know that we love each other more than we know. Hehe!

I hope and pray that eveyone will always be fine and will be successful on our chosen paths. We may not always be physically together now but I know that we are always one in spirit. I’m proud of you guys and will always be my pride and joy. Love you all guys. πŸ™‚

– mJ

Advertisements

If I – Halaw sa isang blogpost na nakita ko. :D

Nagbabasa ako ng blog kanina (click here) at sobrang natuwa ako dun sa isang post niya. Naglagay siya ng picture ng dalawang bata na nag uusap at tunay akong napangiti nung naging takbo ng usapan nila.

Ako na ang kinilig sa dalawang batang to.

At dahil buwan na ng mga puso ngayon, tiyak kong marami na ang naghahanda para sa nalalapit na araw ng Valentines. πŸ˜€

Ang Epekto ng Adiksyon sa Isdang Nalulunod – Unang Yugto

Hindi ko na maalala kung kelan ako nalulong. Basta ang alam ko, hinahanap hanap ko na. Hindi na ako makatulog ng maayos dahil lagi ko inaalala. Gusto ko laging nakikita. Malapit na ako umabot sa punto na gusto ko muna magpaka-bum para lang magkasama kami. Pero pano pag nawalan ako ng trabaho? Pano ko tutustusan ang ka-adikan ko? Malala na ata ako. I need professional help.. CHOS! Haha!

Baka mabasa to ng mga kamag-anak ko at sabihing nag dodroga ako. Haha! Pero kung droga nga ito, adik na nga ako. Buti na lang hinde. Pero ano ba ang sinasabi kong kinaka-adikan ko na? Walang iba kundi.. TOKUSATSU. Haha!

QUESTION!!! Oo. Alam kong itatanoong yan ng iba. Ano ba yung Tokusatsu?

Sabi ni kaibigang Wiki:

Tokusatsu is a Japanese term that applies to any live-action film or television drama that usually features superheroes and makes considerable use of special effects (tokusatsu literally translates as “special filming” in Japanese).

O di ba? Mature na mature? Haha!

Nagsimula ang todo todo kong addiction ko sa kanila a few weeks ago nung nanood ako ng Samurai Sentai Shinkenger.

Tenkagomen no Samurai Sentai, Shinkenger, mairu!!

Na-enjoy ko ng sobra yung series. Ewan ba kung bat hanggang ngayon, sa edad kong ito, eh ang hilig ko pa manood ng mga ganitong palabas. Sabi ng nanay ko, weirdo daw ako. Sabi ko naman, kung ikukumpara ako sa ibang hayok sa mga gantong palabas, mild na mild na mild pa ang level ng addiction ko sa kanila dahil yung iba, bumibili pa ng mga items na galing dun sa series and all. Ako naman, hanggang nood lang. Mag-justify ba? Bwahahaha!

Kamtutingkopit, matagal na din naman ako nanonood ng mga tokusatsu series. Elementary pa lang ako eh nanonood na ako pero ngayon lang talaga ako nagka interes na bonggang bongga dito. Sige, para mas maintindihan nyo pinagsasasabi ko, kwento ko sa inyo ang ilan sa mga early toku’s na pinanood ko.

Hikari Sentai Maskman / Laser Squadron Maskman

Laser Squadron, MASKMAN!!

Michael Joe, Leonard/Lenard, Adrian, Eloisa at Mary Rose. Sila ang mga bida sa pinaka unang tokusatsu series na napanod ko. Naalala ko non, gustong gusto ko magkaron ng laruan na robot (Great 5 robo) nila pero sa kasamaang palad, hindi ako binilhan. Hehe! Galing na galing pa ako dun sa mga aura power nila tsaka yung tali na pinaglalaruan nila na pinapakita after ng episode. Haha! At hanggang ngayon, kabisado ko pa yung tagalog version nung Opening at Ending theme ng series na to. Hindi ito ang pinaka-paborito kong series pero gusto ko to. πŸ˜€

Choudenshi Bioman

Red 1! Green 2! Blue 3! Yellow 4! Pink 5! Bio team fight! BIOMAN!!

Dito ata ako una natuto bumilang tsaka mag identify ng color. Haha! Nagkaron ako ng laruan neto kaya lang di ko na maalala kung san napunta. At hanggang ngayon ay misteryo pa rin saken kung ano talaga ang kasarian ni Peebo. Sabi ng iba, babae daw siya. Sabi naman ng iba lalake siya. Ewan ko sa kanya. Bahala siya. Basta ang alam ko, panalo ang PINK SHIELD ni Pink 5 at GREEN BOOMERANG ni Green 2. xD

Kousoku Sentai Turboranger

Gehh.. Hindi ko maalala yung mga sinisigaw nila. Haha! xD

Eto ang tokusatsu na kakatuwa kasi tungkol sa mga fairies ang theme. Haha! Kyut na kyut pa ako dun sa isang kalaban dito na nagiging kotse. Wala ako masyado masasabi sa series na to dahil hindi ko pa to natatapos. Tatapusin ko pa lang pag nagkaoras ako. πŸ˜€

Chojin Sentai Jetman

Kami ang, JETMAN!! xD

Homage ito sa anime na Gatchaman kaya na enjoy ko ang series na ito. Gusto ko yung idea na nakakalipad yung mga tao dito. Hehe! Panalo pa yung technique ni Blue Swallow dito na nag ka-cartwheel ng madaming beses bago nya pabagsakin ang kalaban. Natapos ko ang series na to at imperness, nagandahan ako sa ending! xD

Chikyuu Sentai Fiveman

Chikyuu Sentai, FIVEMAN!!!

Ito ang pinaka favorite ko sa lahat ng sentai na napanod ko noon. Storya ito ng magkakapatid na… alien. Hahaha! Alien kasi hindi naman sila dito pinanganak sa Earth kahit pa human nag mga magulang nila. Maganda yung story. Gusto ko pa yung mga plushie na lumabas midway through the series na siyang mas lalo ko nagustuhan. Hehehe! At na-iinggit ako nun sa kanila kasi may nanny sila na robot. Gusto ko din non. Bwahaha!

Shaider

Shaider: Pulis Pangkalawakan

Sino ba naman ang hindi makakalimot kay Alexis at Annie. Haha! Isa lang ang dahilan ko non kung bat ko to pinapanod. Inaabangan ko lagi yung muka ni Ley-Ar. Haha! Pag naglalaro ako nun ng mga tau tauhan ko, kinukuha ko yung ceramic plate na display ni Mama para kunwari, yun si Ley-Ar. Haha!

Ah shigi shigi wakashigi ooooo waaaaa.... xD

Tsaka naalala ko, nandito sa series na ito yung pinaka weird na plot ng kalaban para sakupin ang mundo.. Ang ilagay sa loob ng cocoon yung mga tao at sa loob non eh kain ng kain ng fried chicken yung bihag. Bwahahaha! At dito din sa series na ito una ko nakilala ang Ocarina. n__n

——

Ayan. Yan yung ilan sa mga tokusatsu na napanod ko non. Sarap balik balikan ng mga series na yan. Buti na lang at may nabibilhan ako ng mga to kaya napanood ko na uli yung iba sa kanila. Yung iba na hindi ko nilagay, yun yung mga series na hindi ko naman masyado pinanod at inabangan. Hehe!

At sa kasalukuyan, merong isang playlist sa iPod ko na ang laman eh puro mga toku songs. Haha! Adik ba? Di naman siguro. Fan lang. xD

Sa susunod na post ko na naman ikukwento yung mga ibang mga tokusatsu series na napanod ko na. Hehe! :p

Para sa iyo, “Kaibigan” – An Open Letter

Mayron lang tumatakbo sa isip ko ngayon at wala ako mapagsabihan kaya dito ko ngayon sa post na ito ilalabas ang saloobin ko. Tamaan na ang tamaan. xD

———————

Mahal kong kaibigan,

Oh kamusta naman ang greeting na yan. “Mahal kong kaibigan”. Pormal na pormal! Hindi bagay saken. Hehe! Sorry naman at sa ganitong paraan pa kita kinausap. Pano naman kasi, masyado ka nang busy sa buhay mo. Not that I am complaining. Ok nga yan. Kahit papano ay naiibsan ang mga mumunting problema mo sa buhay. Sana ay palaging ganyan ang estado mo. Masaya, malusog, at masaya.

So ang tanong, bakit nga ba kita sinulatan? Kasi may gusto ako sabihin sayo kaya lang hindi ko alam kung pano ko sasabihin. Oo oo. Para akong tanga. Sa tagal na nating magkaibigan eh ngayon pa ako nag inarte ng ganito. But don’t get the wrong idea. Kaya ako nahihirapan sabihin sa’yo to ng harapan hindi dahil sa mahirap ito sabihin pero dahil ayaw kita makita o makausap ng personal. Di ako galit kung yun ang nasa isip mo. Sadyang nawala na lang talaga yung “connection” ko sa’yo.

Ayokong isipin mo na hindi ko pinahalagahan ang mga bagay na nagawa mo saken kaya heto: MARAMING SALAMAT SA LAHAT. Maraming salamat dahil nung mga panahong kailangan ko ang tulong mo, nandun ka naman kahit papano. Good times and bad times, andyan ka. Naalala ko non, may sinabi ka saken na lubos ako nalungkot at nasaktan. Hanggang ngayon dinala ko ang mga salitang yon. Tumatak sa isip ko yan kaya sinabi ko non sa sarili ko, matututo at masasanay din ako na wala ka.

Ngayon heto ako, natuto ako tumayo sa sarili kong mga paa. Cheesy ko no? Hehe! Ayos lang yan. Huling beses ko naman na ito gagawin sayo kasi.. Kasi.. Ayoko na. Ayoko na lokohin ang sarili ko na ayos lang sakin yung sinabi mong yon at hindi ako apektado. Pilit ko sinasabi sa sarili ko na alalahanin ang mga magagandang bagay na nagawa mo para hindi ako lumayo pero wala. Masyado na ako apektado ng mga pangyayari.

Tatanungin mo ko, ano nga ba nangyari? Marami nangyari. Pero dahil you are too dense to know it, hindi na ako nagtataka kung hindi mo man alam. Ayoko na sabihin kasi wala naman na din sense kung malaman mo. Hindi mo kailangan mag explain at hindi ko din kailangan ang explanation. Hindi mo din kailangan i-defend ang sarili mo kung gusto mo man dahil sarado na ang utak ko. Ok na ako na tamang nag uusap na lang tayo. Wala ng buddy buddy.

Ayun lang naman ang gusto ko sabihin. Wag ka mag-alala. Hindi naman ako nang iiwan sa ere. Dito pa din ako pag kelangan mo ko. Pero hindi na magiging tulad ng dati ang magiging trato ko sayo. Sinanay mo ako na wala ka at sinabihan mo akong hindi mo ako naiintindihan kaya para wala ka na iintindihin saken, didistansya na lang ako.

So ayun. Good luck sa lahat ng future endeavors mo.

-mJ-

———————-

Parang ang gulo ng post ko. Haha! Well, kunwari na lang naintindihan nyo yan. Sinulat ko lang talaga laman ng utak ko para mamayang pagtulog ko eh ok na ako at hindi ko na iniisip yan. Yun lang naman. Salamat sa pagbabasa. :p

A Series Of Post-Dated Posts. Part 2: Pasko-Berdey-Nyu Yir

Huuu!! Ngayon lang sumipa saken ang sipag para magsulat kaya ngayon ko lang uli to naharap. Well anyways, heto na. xD

Part 2.1 : Pasko

Masaya at unique ang naging Pasko ko last year. As usual, dalawang Christmas party ang talagang inabangan ko this year: Sa side ni Mama at side ni Papa. Sa totoo lang, 3 party ang na-atenan ko pero yung sa 2 lang yung ikukwento kasi dahil dun sa isa, wala naman naganap bukod sa nagsayaw ako sa harap ng madlang pipol at naregaluhan ako ng libro. Bleh. :p

Christmas Party with my Andal family was unique this year. Literal na nag party kami eh. Sa pagkaka-alala ko kasi, tamang kain lang then kwentuhan then bigayan ng gifts tas kain lang ulet then yun na. Last year was different. May program talaga thanks to my sister. At dun ko na receive ang isa sa pinakamagandang regalo na nakuha ko:

HARRY POTTER in BLU-RAY!! Yep! Proud owner. Thanks cuz!!

Sa father side, ganun pa din. Parteh parteh pero may sharing time. Pauso din ng sister ko tsaka nung uncle ko. T’was also good. Madaming blessings na dapat ipagpasalamat. πŸ˜€

Part 2.2 : Berdey

Yak. 24 years na pala akong nabubuhay sa planet Earth. Lubos ako nagpapasalamat sa lahat ng naka-alala ng aking kaarawan. Mula sa mga nag-text, tumawag at bumati sa FB, sobrang thankful ako sa mga bumati.

Simpleng dinner lang ang ginawa dito sa bahay unlike nung birthday ko 2 years ago na may parteh parteh. Dumating lahat ng mga close kabarkada ko at sobrang thankful ako sa presence nila. They always make my birthday extra special. Dun naman sa mga hindi nakapunta, ayos lang. I understand kung di sila nakapunta. Wag nyo na din pala asahan na sisiputin ko ang mga berdey nyo. Jok lang. Haha! xD

Part 2.3 : New Year

One word: BORING. Happy new year though!! πŸ˜€

—————–

Ayan. Wala na ako maisip na pwede ko pa idagdag sa post na to dahil kanina pa may tumatakbo sa isip ko na gusto ko isulat pero OT siya dito kaya gagawa na uli ako ng panibago. πŸ˜€

A Series Of Post-Dated Posts. Part 1: Anib

A Series Of Post-dated.. Posts. 

Part 1 : Anib

Yan ang pamagat ng blog post na ito dahil yun nga, ang mga susunod na posts ko ay ang utang kong mga kwento mula nung December last year hanggang sa ngayon. Hehe! At dahil nga sa nangako na magsusulat na uli ako, eto na. Sisimulan ko na.

Anib.

Anibersaryo ko sa blogging world nung December. Hehe!
Naki-anib ako sa mundong wala akong alam noon kundi ang maging taga-masid lang. Hehe! Masaya naman pala magsulat kaya naman kahit hindi ako palagi nakakapag post, I see to it na kahit once a month man lang eh makapag post ako. πŸ˜€

Gusto ko na din i-take ang opportunity na ito to thank Ate Cat for making me start a blog. Sige na nga, pati na din si lulepap. Kung hindi dahil sa kanila, hindi ko madidiscover ang pag ba blog. Aha!

Sa pagtatapos ng post na ito, nais ko lamang sabihin na ako’y lubos na nagagalak dahil sa tulong ng blog ko na ito, nailalabas ko ang aking talent (kung meron man. xD) sa pagsusulat at nailalabas ko din ang ilang damdamin ko na hindi ko kayang sabihin kaya isinusulat ko na lang. Haha!

Cheers to all at salamat pala sa mga taong nagbabasa ng blog ko at nag iiwan ng comment. πŸ˜€

And I’m back again! Happy new year!! :D

Nako, antagal ko pala hindi nakapag-blog. Eh wala din kasi ako maisulat noon na matino kaya ayun, pinabayaan ko na muna ang blog na ito. May topic naman ako pero yun nga, hindi ko magawan ng maayos na blogpost kaya minabuti ko na lang na wag muna magsulat. Nasa isip ko naman kung ano yung mga topic na yon. Gagawan na lang ng kwento. Haha!

Marami pala naganap sa buhay ko nung December. Gusto ko ikwento lahat kaya lang pag pinagsama sama ko sa isang post, baka mawalan ng gana yung magbabasa (Huuu.. As if naman may avid reader ako ng blog ko. Hello na lang kay Ate Cat at sa mga iba pang sumusubaybay sa blog ko. Kunwari nga meron. Wag na umangal. Blog nyo to? Blog nyo to? :D)

So ayun nga, magpapaka-active na uli ako dito sa blog ko. Pramis.

At bago ko makalimutan.. HAPPY NEW YEAR SA LAHAT! God bless you all!! πŸ˜€