Bakit ganun? ….Seventh post!! XD


Napanod ko kagabi yung S.E.O.U.L video ng SNSD at Super Junior. Mga korean band po sila for those na hindi po sila kilala. Sa mga hindi po nakaka alam, as in baka lang hindi nyo alam, patay na patay ako sa SNSD. Heck, I even know the dance steps nung isang kanta nila.

Anyways, the video is rubbing me off in a wrong way. Maganda yung video. Cute. Catchy. Pero something in that video is making me feel uneasy… O siya siya.. Sige aaminin ko na, NAIINGGIT ako.

Naiinggit saan?

Naiinggit ako sa pagiging nationalistic nila. Alam nyo yun, nakagawa sila ng ganung video na ang message na gusto nilang i-convey ay ang ganda ganda ng Seoul at love nila ang lungsod na yon.

Habang pinapanood ko yung video, andaming thoughts ang umaandar sa utak ko. Iniisip ko, maganda din namang ang Maynila ah. Ewan ko. Baka ako lang nagsasabi na maganda ang Maynila. I mean, nagagandahan ako sa view ng Intramuros Wall habang binabaybay ko ang kalsadang yon (Hindi ko alam kung anong street yon. Taft Ave. pa ba yon?). Gustong gusto ko din ang view ng Manila City Hall at Philpost Office. Ang mga building sa Makati. Yung flyover sa Mantrade. Baywalk. Maraming spots sa Maynila ang nagagandahan ako. Pero bakit hindi nila magawan ng magandang PV ang Maynila tulad ng video na yun ng SNSD?

Naisip ko tuloy, nasan na ang ating “nationalistic” pride? As in yung genuine Ako-ay-Pilipino-at-ipinagmamamalaki-ko-iyon attitude. Sabi ni Ate Cat, medyo may pagka “pilit” daw yung nationalism ng mga Korean na yun. I say, mas lalo ako naiinggit. Kasi kahit pilit, andun yung idea na PROUD AKO KASI KOREANO AKO attitude nila.

Colonial Mentality din daw sabi ng magiting kong Ate. Tama. Masyado tayong engrossed sa mga gawang banyaga kaya ang sariling atin eh napapabayaan. Guilty ako dito pero sa tingin ko naman, kahit papano, marunong pa din ako magmahal ng sariling atin. I see to it na once a year, makapunta ako sa isang lugar sa Pinas na hindi ko pa napupuntahan kahit kelan. Kahit sa ganung kaliit na bagay lang eh maipakita at maipadama ko sa sarili kong bayan na mahal ko siya… Kahit na nga ba mas madalas pa ako makinig ng kantang Hapon o Koreano kesa kantang Tagalog.

Balik sa video, sana makagawa tayo ng ganung klaseng PV. Wala lang. Naiinggit lang talaga ako.

Advertisements

S.A.D. Oh the agony… NOT! …Sixth Post! XD

Oi pambihira naman pala! Antagal na since nung last post ko ah. Tinamad kasi ako magtayp at mag isip… At mag tayp na den kaya hindi ako nakapag blog ng maayos..

Anyways, wala naman talaga ako sasabihing matino kasi wala ding tumatakbong matinong thoughts sa ulo ko ngayon. Bukod sa na eengot na ako sa ginagawa ko dahil mahirap pala magturo ng mga professionals kesa sa mga studyante, eh natuturete ako dahil Balemtayms dey na. Sa mga single na katulad ko, SAD.. Single Awareness Day is fast approaching. XD

Di naman ako nagrereklamo kung single ako. I’ve been single for 7 years. Ok naman. Di naman ako naghanap eh. Haha! At hindi ko namiss na magkaron ng ka-partner dahil siguro sa trauma.

Now you’ll ask me, What are the benefits of being single? Nako, MADAMI (Parang bitter lang eh no?)

Una:
Mas may time ako sa sarili ko (Woshooo… Kaya pala laging nagyaya ng gala. Mahusay. XD)

Pangalawa:
Di ko iniisip kung may magagalit kung di man ako nagpapaalam kung san ako pupunta at anong oras ako uuwi (Magsesend ng text message: Hoy. D2 kmi glo ngaun. Laru kmi timezone tska videoke kami. Wala lang. Haha!)

Pangatlo:
Wala na pala pangatlo. Dalawa lang pala rason ko. xD

So ayun. Wala lang. Gusto ko lang mag share. Hahaha! Kasi nabuburot na ako dito sa opis. Nag iintay lang ako ng awt ko. Hahaha! xD

Birthday.. Same old brand new look.. New Year!! ..5th post!!! XD

Yay!! First post for the year 2010!!! Happy new year!! Akemashite Omedetou!! Auld Lang Syne?! Heehee! Maligayang Bagong Taon sa inyong lahat! XD

Hmm.. Now what to talk about first? How about I start from last week? BIRTHDAY!! XD

I just turned 23 a week ago and I was really touched that most of my friends and of course, my super friends, remembered it. Sobrang thank you sa inyo! Hehe! What was supposed to be a simple dinner with my family and my close friends turned out to be a simple house party. I was really surprised that most of my visitors were my neighbors. Heck, I was even more surprised that most of the crowd was composed of oldies! But nonetheless, they made me happy. With me, yapping through the night while using our Magic Sing microphone, I think everyone also enjoyed it. I would like to “special mention” my uber friends for coming to my party last week. Mel, Mitch, Pritz, Pachi and Gezer: I LOVE YOU GUYS!! Dj, Morris, and Kei: Thanks for coming!! Next year ulet! XD

While typing this next paragraph, I was looking at the mirror and thinking if my haircut suits me well. I just had my haircut a few hours ago and boy do I feel so awkward right now. No more flipping my hair or frantically looking for a headband or ponytail to tie my hair when I feel that my crowning glory is killing my nape. I decided to cut it short for 2 reasons: 1, I think it’s time for me to cut it off because it really was starting to irritate me and 2, New year. New year new look. Okay, maybe that’s really not my 2nd reason. But whatever my 2nd reason is, I still hope that this same old brand new haircut of mine suits me fine or else someone will have to pay for it. XD

Geez, I’m running out of words to type now. So maybe I’ll just end this with this…. XD

Happy New Year everyone! God bless you all! n___n

Training.. PSP’s.. Laziness.. IDOL DAD!! Merry Christmas!! …Fourth Post!!! XD

I was SERIOUSLY planning to write this post two days ago but laziness got the better of me and not to mention, a new PSP game standing betweeen me and my PC that made this post a bit delayed. Hehe!

My training ended yesterday and I really learned a lot about Quicktest Pro’s basic functionality (*geek mode: on*) and I’m really looking forward to have the program on my computer and start tinkering with it. For those wondering what Quicktest is, it is a software application that helps Software Testers in.. Testing softwares. Nyehehe! (*geek mode: off*)

I also got the best Christmas gifts yesterday. A new PSP game that I’ve been dying to have (Naruto: Narutimate Accel 3) thanks to Symon (I LAB YU!!! XD), new headphones for my phone (I just love my mom!! Thanks ma!! XD) and stirrer from my crush (I won’t name her just in case some of my friends sees this post and decides to use this post for blackmailing. XD). Heehee! I was so ecstatic over these gifts that I didn’t even mind going home with a drunk dad on the passenger seat, puking all over SLEX on our way home. Yes. PUKING ALL OVER SLEX. Idol dad!!

And with this, I would like to greet everyone a very Merry Christmas!! God bless you all!! XD

I’m Lelouch! …3rd Post!!! XD

Took the Which Geass Do You Have quiz and here’s what I got.. ABSOLUTE OBEDIENCE! Weh! Mas gusto ko Geass ni V.V. or ni Marienne!! Pero ok din to. ABSOLUTE OBEDIENCE!! XD

Hates lollies… First Post! XD

Yahuuu!!! Mukang ito na ang start ng pag ba blog ko dahil may isang makulit na pusa na pinilit ako mag blog.  Hahaha!

Anywho, disclaimer muna.. Hindi ako magaling magsulat. Most of the time eh nagmumukang palabok ang mga sinusulat ko dahil sa sobrang dami ng gusto kong sabihin, pero hindi makasunod ang kamay ko, eh nawawala ako sa mga gusto kong sabihin. Huwahaha!! XD

Okies.. Eto na..

I never hated lollipops until yesterday. Kahapon kasi, kausap ko ang isa sa mga idol person ko na itatago ko sa pangalang Ate Cat. Member kasi ako ng isang forum site na itatago ko sa pangalang Japinoy, at kami ni Ate Cat ay madalas mag usap ng tungkol sa mga nilalang sa Japinoy na kakatwa ang mga pinaggagagawa sa site namen. At kahapon ang naging topic namen ay yung isang member na itatago ko sa pangalang lulepap.

Hindi ko inexpect na may mga batang katulad ni lulepap. Dun kasi sa isa sa mga threads sa forum sinabi nya, and I will quote her: ” Whahaha. even to my parents, ang epal ko. :3 Namumura ko nga sla e. ­čśÉ AHAHAHA! Pasaway eno.”, eh bonggang bonggang napa init nya ang ulo ko. AS IN. At ang rason kung bakit siya nakikipag murahan sa parents nya? DAHIL HINDI SIYA PAYAGAN NA MAG BOYFRIEND!! Hindi ko alam kung anong espirito, engkanto, lamang lupa o demonyo ang sumapi sa kanya nagawa nyang murahin ang magulang niya at ichurang proud na proud pa siya sa ginawa niya. Parang “Oi mga tao! Alam nyo ba ginawa ko kanina? Minura ko parents ko kasi binabawalan nila ako magka syota! Ang husay ko no? Palakpakan naman jan!”. Potek, kung kapatid nya ako at nakita ko yon, baka sinaksak ko ng toothpick yung dila nya. Ang nakakatawa pa nito, ang pangalan nya ay ANGEL. PANALO!!!! Bagay na bagay sa kanya pangalan nya *Warever*.

Hindi ko talaga maintindihan ang mga kabataan ngayon (Oo, matanda na ako. Hahaha! 23 na ako, so matanda na yon. XD). Masyado na silang.. Ahmm.. Ano bang tamang term? Mapusok? Mayabang? Seriously, hindi ko alam. XD Ang akala nila, kayang kaya na nila humarap sa mundo mag isa. Akala nila, dahil capable na sila to speak their own mind eh ok na yung maging ganyan ka gaspang ang ugali nila. Shet pakshet talaga. As in watdapak! Nung teenager ako, ang iniisip ko eh kung paano tatalunin ang mga video games na nilalaro ko. Pero mga bata ngayon, dyusko, kahit 12 anyos, ang inaatupag eh lovelife! MY GAAAD!! Hindi ko alam kung nagmamadali silang tumanda, or nagmamadali silang mag mature. Hayaan ko na sa kanila yun pero yung maging lapastangan ka sa mga matatanda, not to mention, maging gago sa harap ng magulang mo eh hindi ata acceptable saken yon. At tipong ipinagmamalaki mo pa? POTA TALAGA. Pasalamat na lang ako at yung mga kapatid ko hindi ganyan. Kung hinde, baka kung ano na nagawa ko. Hahaha! XD

Haaaayyy.. Wala na. Wala na ako maisip isulat. Ganito na lang.. Ilalagay ko na lang dito kung ano yung sinabi ko sa lollipop na yun para mabasa nyo din. Hahaa!

Quoted from my post in Japinoy:

Kung ako tatay mo, mas lalo mo ako isusumpa kung minura mo ako. Hahaha!! Ni hindi mo pa nga kayang tumayo sa sarili mong paa pero nagagawa mo na ako murahin? Sabi nga ng kapatid ko sa mas bunso ko pang kapatid: Papunta ka pa lang, pabalik na ako.Mas alam nila sayo kung ano ang tama sa hinde. Hahahaha! You still owe them your life you know. If you can’t respect them as your parents, at least respect them as humans.

Sabi din nga ni caius-san, magiging magulang ka din. You are young and may rights ka para maging spunky and all pero it doesn’t mean na pwede mo abusuhin yon. Hahaha!! XD

Pasensya na. Hindi ko lang mapigilan sarili ko. Hahaha!! Isa kasi sa mga ayaw ko eh yung mga BRATS na kung umasta akala mo me mga napatunayan na sa buhay pero HINDI NAMAN GALING SA SARILI NILANG PAWIS YUNG ISINASAKSAK SA MGA BIBIG NILA PAG NAGUGUTOM SILA AT NAGBIBIGAY NG BUBONG SA KANILA PARA MAKATULOG NG MAHIMBING. Ang akin lang, saka na kayo mag gaganyan pag talagang meron na kayong rights para mag-angas. Sa ngayon, stay put lang. XD

Advertisements